• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban, Sam Milby and other celebs to lend their voices for original animated film 'Hayop Ka'

Angelica Panganiban, Sam Milby and other celebs to lend their voices for original animated film 'Hayop Ka'

Isa sa line up ng Spring Films ngayong 10th year anniversary nila ay ang isang animated film na pinamagatang 'Hayop Ka.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/4/2019 9:00 AM
Angelica Panganiban, Sam Milby and other celebs to lend their voices for original animated film 'Hayop Ka'


Photo credit: @iamangelicap on IG/ Spring Films on FB

Sa ika-sampung anibersaryo ng Spring Films, ipinakilala ang labing-tatlong bago at orihinal na pelikulang alok ng kanilang produksyon. Isa sa mga nasa line-up ay ang animated feature film na Hayop Ka, kung saan bibigyang boses ng ilang Kapamilya stars ang mga pusa, aso, at maging palakang karakter. Ang animated film ay orihinal na gawa ni Avid Liongoren, at may temang sexy romance at drama.

Susundan ng pelikula ang kwento ni Nimfa Dimaano aka Ang Babaeng Walang Pahinga, isang pusa na nagkaroon ng pagtingin sa isang mayamang aso na si Iñigo, na magiging dahilan ng alitan ni Nimfa at ng kasalukuyang boyfriend nito na asong kalye, si Roger.

Si Angelica Panganiban ang magiging boses ni Nimfa at ang boyfriend nitong si Roger ay bibigyang boses naman ni Robin Padilla. Si Sam Milby naman ang mayamang aso na si Iñigo. Makakasama rin sa movie sina Arci Muñoz at Empoy Marquez.

Panuorin ang trailer dito:


Bukod sa Hayop Ka, narito ang mga posters ng mga pelikula na bumubuo sa line up ng Spring Films sa kanilang 10th year anniversary celebration. 

A Short History of Parking Lots ni Ed Lejano

Ang Araw ng Itim na Nazareno ni Lav Diaz

Children of the Lake ni Omar Ali at Bb Joyce Bernal

Chona: Istariray is Born ni RC Delos Reyes

I'm Ellen L ni Boy 2 Quizon

Kuya Wes ni James Robin Mayo

Maboteng Usapan ni Steven Paul Evangelio

Post Angst ni Marcus Adoro

Puppy Love ni Raya Martin

Sunshine Family ni Kim Tai-Sik

The Bouncer ni Ely Buendia

Walang Ka-Paris ni Sigrid Bernardo