• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla, napahanga sa husay ni Jodi Sta. Maria sa ‘Mea Culpa’

Bela Padilla, napahanga sa husay ni Jodi Sta. Maria sa ‘Mea Culpa’

Pananabik din ang ibinahagi ni Bela Padilla sa kanyang unang beses na makasama si Jodi Sta. Maria sa proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/3/2019 10:40 AM
Bela Padilla, napahanga sa husay ni Jodi Sta. Maria sa ‘Mea Culpa’


Photo credit: Screenshot from Mea Culpa Trailer

Puspusan na ang paghahanda ngayon ng Kapamilya star na si Bela Padilla para sa kanyang bagong proyekto na sa ABS-CBN na Mea Culpa.

Kuwento ni Bela sa kanyang naging contract renewal sa ABS-CBN, isa ang kanyang pagbabalik teleserye sa mga nakahandang proyekto na kanyang gagawin.

“Actually, I started already my new show for ABS-CBN, ‘yung Mea Culpa directed by Dan Villegas. First time ko din makakabtrabaho si Ms. Jodi Sta Maria, so I’m very excited and e-ere na kami very very soon,” ani Bela sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Ayon pa kay Bela, labis din ang kanyang pananabik sa unang beses na magkakasama sila ni Jodi Sta. Maria sa isang proyekto.

“Wala pa kami eksena together, nahiya nga ako e. Ang na-shoot pa lang namin ang teaser so, ‘yun. And so far ang sarap niya ka-eksena kasi grabe siya magbigay, pero teaser palang ‘yun so gusto ko makita kung ano ang kakalabasan pag mismong taping na,” sabi pa niya.

At sa kanya namang karera sa pagiging scriptwriter, inamin ng Kapamilya star na hands-off muna siya sa pagbigay konsepto sa bagong telerserye.

“For Mea Culpa, wala. In writings, medyo mahirap ang trabaho araw-araw ‘yung script non, and may sinusulat din akong script ngayon for Star Cinema so doon ako ngayon naka-focus,” pahayag pa ni Bela.

Bukod sa telerserye, isang pelikula din kasama si JC Santos ang nililuto para kay Bela na dapat abangan ngayong 2019