Pelikulang ‘Alone/Together’, magkakaroon na ng libro

Director Antoinette Jadaone hopes to inspire others to become scriptwriters.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/28/2019 12:50 PM
Pelikulang ‘Alone/Together’, magkakaroon na ng libro


Photo credit: @tonetjadaone on Instagram (R)

Matapos tumabo sa takilya ng pelikulang Alone/Together na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano, inanunsyo ng direktor na si Antoinette Jadaone na magkakaroon na ng libro ang pelikula.

“Super happy to share the screenplay of Alone/Together, available soon! [Black Sheep] asked me if I wanted a novelization (it's easier to read in prose than in screenplay format after all), but I want to grab this chance to let you in on our filmmaking process—how a written scene is brought to life, for the better o worse,” ani Antoinette sa Instagram.

Nais din ng direktor na maging inspirasyon ang libro sa mga nangangarap ding maging scriptwriter katulad niya.

“Sana may ma-inspire maging scriptwriter! Mahirap, nakakabaliw, pero masarap.”

 

Noong Martes, Pebrero 26, ay umabot na sa halagang P265,228,810.89 ang kita ng pelikula na ipinalabas din sa iba’t ibang bansa.