• Home
  • Fresh Scoops
  • Lani Misalucha, feeling millennial dahil kay Jona at Darren Espanto

Lani Misalucha, feeling millennial dahil kay Jona at Darren Espanto

Ibinahagi din ni Lani ang kanyang mga natutunan sa mga kasamahan sa The Aces concert na sina Darren Espanto at Jona.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/28/2019 3:07 PM
Lani Misalucha, feeling millennial dahil kay Jona at Darren Espanto


All set na sina Darren Espanto, Jona at Lani Misalucha para sa Davao leg ng kanilang matagumpay na “The Aces” concert na gaganapin ngayong March 2 sa SMX Convention sa Davao City.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Reposted from @stareventsph - The clock is ticking, the crowns are waiting. The Vocal Royalties have already conquered Cebu and now they are bringing their grandeur much closer to you! The most-awaited concert of the year is coming to Davao and Araneta! Jona, Lani Misalucha, and Darren Espanto will reunite once again for THE ACES, happening on March 2 at the SMX Convention Center Davao City and on March 30 at the Araneta Coliseum. GET YOUR TICKETS NOW! For #TheACESDavao call SM Tickets at 470-2222 or visit smtickets.com. For #TheACESAraneta log on to Ticketnet Online or call 9115555. This event is brought to you by Star Music, Star Events and CCC Productions #TheACES - #regrann

A post shared by JONA (@jona) on

 

Sa rehearsals, pa lang todo na ang naging paghahanda ng tatlong bigating singer sa kanilang inihahandang pasabog na performance sa mga Davaoeño.

 

“Ako po kahit ilang beses na din po ako nakakabalik ng Davao for shows, this time sobrang excited po, of course, kasama ang THE Lani Misalucha and Darren Espanto and sana lahat mag-enjoy din po sana gagawin naming performance,” sabi ni Jona.

Naikuwento din ni Lani ang kanyang masayang experience sa kanilang unang successful concert sa Cebu.

“Doon kasi sa Cebu namin na performance, actually parang ang saya lang kasi ang mga tao, they’re so engaged, very receptive sila and we just all a wonderful time. We didn’t feel that we performed for them. It just like everyone is part of the show. So I hope it’s gonna be the same or mas even better,” ani Lani.

At dahil mga young singers ang kanyang makakasama, aminado ang Asia’s Nightingale na ramdam na ramdam niya ang young energy ng kanyang mga kasama.

“I loved working with them, kasi when you worked with young people you also feel young (laugh),” masayang kuwento ni Lani.

“I learned a lot from them, kasi mga millennials to eh, so dapat maki-millennial ka din , makihabol ka,m kasi otherwise mahuhuli ka and yeah I do hope it’s not gonna be the last, that I’ll be working with them and I just loved working with them they’re fun,” patuloy pa niya.

Isang pambihirang pagkakataon naman para kay Darren at Jona ang makasama si Lani Misalucha sa isang concert.

“Yung sinabi po ni Miss Lani,  she feels young again, kami naman po working with the icon, Lani Misalucha, ‘yung experience po niya as singer and performer, ang dami din po namin natutunan from her, and doon po nabubuo ang connection namin,” pahayag ng dalawa.

Bukod sa inihandang mga level up performances, asahan na din ang umaatikabong sayawan na handog ni Darren.

Matapos ang concert sa Davao ngayong March 2, naghahanda na din sa Manila leg ng “The Aces” si Darren, Jona at Lani na gaganapin naman sa Araneta Coliseum ngayong March 30.