• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Heaven Peralejo to play the role as young Judy Ann Santos in ‘Starla’

EXCLUSIVE: Heaven Peralejo to play the role as young Judy Ann Santos in ‘Starla’

Dream come true para sa isang Juday fan na si Heaven Peralejo ang pagganap bilang batang Judy Ann Santos sa bagong teleserye na ‘Starla’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/28/2019 12:59 PM
EXCLUSIVE: Heaven Peralejo to play the role as young Judy Ann Santos in ‘Starla’


Si Heaven Peralejo ang gaganap bilang batang Juday sa inaabangang comeback teleserye ni Judy Ann Santos, ang Starla.

 

Sa premiere night para sa pelikulang Familia Blondina, inamin ni Heaven na matagal na siyang fan ng Queen of Pinoy Soap Operas na si Judy Ann. 

"Kasi ang galing lang talaga niya umarte, tapos nalalaman ko rin super mabait siya super professional niya. Gusto ko talaga siya since bata pa ako," kuwento ni Heaven.

Hindi pa man nakikita ng personal ni Heaven si Judy Ann dahil sa pansamantalang pagtigil ng kanilang taping at hindi magtugmang schedules, na-eexcite pa rin ang batang aktres dahil sa iba pang beteranong aktor na makaka-eksena niya.

"Never pa kami nagkikita. Kung (puwede) na lang sabihin sa production, 'Puwede po ba.' Pero kasi hindi magtugma ng schedule. 

"Ngayon nag-stop kami ng taping. Pero nilu-look forward ko kasi may sinabi sila sa akin na may one-day taping ako with Tirso Cruz III, so kailangan siyempre aralin ko talaga yung script," sabi ni Heaven.

Una nang ina-announce ng Dreamscape Productions ang pagbabalik teleserye ni Juday noong June 25, 2018.

READ: Judy Ann Santos starts working on her teleserye comeback

Sa interview din ay ini-reveal ni Heaven na si Brace Arquiza ang magiging katambal niya dito. "Dito ang ka-team up ko dito si Brace Arquiza, siya yung gaganap na young - hindi ko alam kung puwede sabihin e. Pero siya yung makakasama ko dito.

Sa huling report ng PUSH, napag-alaman na si Raymart Santiago ang magiging ka-partner ni Judy Ann para sa Starla.

READ: Raymart Santiago, balik telebisyon kasama si Judy Ann Santos

Sa ngayon, mapapanuod si Heaven sa Wansapanataym Presents: CUTEpido, kung saan ay ka-love team niya si McCoy De Leon.

Si McCoy din ang makakatambal ni Heaven sa paparating na suspense-thriller film na, The Mirror.