• Home
  • Fresh Scoops
  • Arnel Ignacio, inamin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa posisyon sa OWWA

Arnel Ignacio, inamin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa posisyon sa OWWA

Aminado si Arnel Ignacio na isa sa mga dahilan ng kanyang pagbibitiw sa pwesto sa gobyerno ay ang pagkasabik niya sa mundo ng showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/28/2019 3:05 PM
Arnel Ignacio, inamin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa posisyon sa OWWA


Magkahalong emosyon ngayon ang naramdaman ng TV host-comedian na si Arnel Ignacio sa kanyang naging pagbibitiw bilang isang deputy executive director ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Sa naging pahayag ni Arnel sa entertainment press noong Miyerkules, sinabi niya na naging maayos ang kanyang pagpapaalam sa kanyang tanggapan.

“The President (Rodrigo Duterte) understands this very, very well. Hindi ko naman na siya bibigyan ng sakit ng ulo at bigyan pa ng oras para sa akin, kasi itong transition na gagawin ko, I just followed the normal procedure, I submitted my resignation letter to my superior and in process na ngayon yung aking kapalit,” sabi ni Arnel. 

Kuwento pa ni Arnel, miss na miss na niya ang showbiz, na isa sa mga kanyang nakagisnan na karera.

“Ang paliwanag ko din naman sa aming superior, ‘Sana mabigyan din ako ng pagkakataon na magtrabaho at bumalik sa aking gawain sa showbiz dahil talaga naman napaghusayan ko na’ and I want to get a chance again to earn (from showbiz),” aniya.

Ang resignation lang din daw ang tanging paraan para gawin niya ang kanyang kagustuhan.

“Kasi ayaw kong guluhin ang gobyerno para sa problema kong ganun, and ito lang talaga ang tamang hakbang na gagawin ko, ready sila na tulungan ako sa lahat, pero sabi ko ‘nakakapag-trabaho pa naman ako’ ayaw ko nang tumangi sa showbiz,” sabi pa ni Arnel.

Kuwento pa niya, isa sa mga natanggihan niya ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, na maka ilang beses na din na lumalapit sa kanya para sa isang special role.

“Ang dami ko nang pinagtatanggihan, ang Probinsyano tinangihan ko, biruin mo lahat ata ng artista gustong gusto maging kasama doon tapos ako tatanggihan ko dahil palipad-lipad ako noon,” ani Arnel.

Bukod pa sa kanyang hangarin na magtrabaho sa showbiz, isa din sa naging dahilan ni Arnel ay pangangailangan na magka-oras para sa kanyang personal na buhay.

“Ang laki na pala ng problema na nangyayari sa personal ko. Nada-damage na pala, my financial balance medyo upset na, yung relasyon ko sa pamilya ko,” aniya.  

Sa ngayon, plano daw muna magpahinga ni Arnel at gugulin ang mga nawalang oras sa anak na si Pie matapos ang tatlong taong paninilbihan sa gobyerno.