• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricel Soriano, nakipagsabayan kina AC Bonifacio at Ken San Jose sa Switch It Up Challenge

Maricel Soriano, nakipagsabayan kina AC Bonifacio at Ken San Jose sa Switch It Up Challenge

Hindi nagpatalo sa pagsayaw ang Diamond Star na si Maricel Soriano kasama sina AC Bonifacio at Ken San Jose.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/27/2019 6:22 PM
Maricel Soriano, nakipagsabayan kina AC Bonifacio at Ken San Jose sa Switch It Up Challenge


Photo credit: @_magandangbuhay IG

Masayang nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa episode ng Magandang Buhay ngayong araw, February 27. Kasama sina AC Bonifacio at Ken San Jose, game na naki-sayaw si Maricel ng “Switch It Up.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

‪GRABE THIS MOMENT! Nakaka-miss makitang magsayaw ang isang Maricel Soriano! #MagandangBirthdayMarya‬

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

Panoorin ang eksena rito:

Bago gawin ang Switch It Up challenge ay tinuruan ni Maricel ang dalawang batang dancers ng kanyang signature dance noon sa awiting “Give Me Just A Little More Time.” 

Samantala, sa parehong episode din ay nakasama ng Diamond Star ang kanyang anak-anakan na si Vice Ganda na umamin na naging idolo niya noon si Maricel. 

"Yung mga aktingan at taray-tarayan niya. Yung mga eksena niya sa mga palabas niya sa mga pelikula niya, ginagaya namin ‘yung mga dialogue niya. 

"Katulad ng, ‘Ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho,' kasi sa totoong buhay sinasabi niya ‘yan. Pati yung mga eksena nila ni Ms. Snooky Serna sa Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, ginagaya namin yan pati ‘yung sa Soltera." kwento ni Vice.

Unang nagkatrabaho sina Vice at Maricel sa pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy noong 2013 na ayon kay Vice ay nakatanggap siya ng Best Actor award dahil sa sampal ni Maricel sa kanya sa isang eksena. 

"Sobrang hagulgol talaga ako. Akala nila dahil sa eksena pero nasasaktan ako talaga. Nanalo akong Best Actor dun sa Star Awards dahil sa sampal na 'yon," natatawang ikinuwento ni Vice. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

‪Meme Vice with Inay Marya! 💎💛 #MARICELebrationonMB‬

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

Mapapanood si Maricel Soriano sa The General's Daughter, gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.