• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio, bumuwelta sa naninira sa kanila ni Ronnie Alonte

Loisa Andalio, bumuwelta sa naninira sa kanila ni Ronnie Alonte

Hindi nakapagpigil si Loisa sa naging pahayag sa social media ng isang netizen.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/27/2019 3:00 PM
Loisa Andalio, bumuwelta sa naninira sa kanila ni Ronnie Alonte


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram

Hindi nakapagpigil ang Kapamilya star na si Loisa Andalio na sagutin ang isang netizen na tila naninira sa kanilang relasyon ni Ronnie Alonte.

Sa mga message na na nakalap ng PUSH sa social media, hindi nakapag pigil ang Kapamilya star sa nasabing netizen na nag-tag pa sa kanya sa mga mapanirang pahayag sa kanila ni Ronnie.

“Nakatag kasi ako,” simula ni Loisa. 

“Ang gusto ko lang malaman if si r2 (Ronnie Alonte) ba itong  tinutukoy or mali lang sila?

“Nakita ko naman na na-seen mo, if hindi naman ito totoo alam kong masasagot mo naman yun agad :) and if totoo nga, mas okay din at least di ba bilang babae ka din naman mas magandang alam ko at natin ang totoo,”

Hindi man nakakuha ng sagot si Loisa sa mga ibinabatong pahayag ng nasabing netizen, isang pahayag naman sa Instagram ang binitawan ng Kapamilya star.

“May mga taong gusto tayong sirain at saktan, wag na wag tayong mag papa apekto. Kung sino ang binababa ng kapwa, siya ang itinataas ng Diyos,” pahayag ni Loisa kinagabihan matapos ang viral

Matatandaan na kamakailan, naging usapin na din sa social media ang tila hindi pagkakaunawaan ng LoiNie na agad nilang naayos.

READ:Ronnie Alonte, aminado sa ‘di nila pagkakaintindihan ngayon ni Loisa Andalio

Sa kanyang latest Instagram post, pinatunayan din ni Loisa na nanatiling matatag ang kanilang pag-iibigan ni Ronnie.

“May mga taong gusto tayo sirain at saktan, ‘wag na wag tayong magpapa apekto. Kung sino ang laging binababa ng kapwa, siya ang tinataas ng Diyos,” sabi ng teen actress sa kanyang photo upload.

 

Pati si Ronnie ay tila may mensahe din sa mga gustong bumuwag ng samahan nila ni Loisa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pangarap ay makasama ka hanggang dulo. Kaya sa mga sira ulo? Neknek niyo 😝

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

 

“Pangarap ay makasama ka hanggang dulo. Kaya sa mga sira ulo? Neknek niyo.”