• Home
  • Fresh Scoops
  • 2018 Miss Universe Catriona Gray, mainit na sinalubong sa mga tanggapan ng gobyerno

2018 Miss Universe Catriona Gray, mainit na sinalubong sa mga tanggapan ng gobyerno

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/27/2019 10:15 AM
2018 Miss Universe Catriona Gray, mainit na sinalubong sa mga tanggapan ng gobyerno


Photo credit: @bbpilipinasofficial on Instagram

Jam packed pa rin ang schedule ni 2018 Miss Universe Catriona Gray bilang bahagi ng kanyang engrandeng homecoming celebration.

Nitong nagdaan na Martes, February 26, magkakasunod na binisita ng reigning Miss Universe ang iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno para mag-courtesy call.

Unang pinasyalan ni Cat ang tanggapan ni Vice President Leni Robrero na kapwa niyang Bicolana at agad niyang naka-bonding. Kawayan na tumbler at coffee table book ang regalo ni VP Robrero sa kanya. Binigyan din si Catriona ng malong na mula galing sa Marawi.

 

Dumog din ang supporters ni Catriona Gray sa Senado. Dito, malugod na sinalubong ng mga Senador ang ating pang-apat na Miss Universe at naki-selfie din kay Catriona.

 

Isa din sa binisita ng Miss Universe ang Department of Tourism kung saan magiging katuwang siya ng ahensya para maipalaganap pa ang turismo ng ating bansa kasabay ng kanyang reign bilang Miss Universe.

 

Bukod sa kabi-kabilang courtesy call, haharapin din ni Catriona ang charity na kanyang tinutulungan bago maging Miss Universe.