• Home
  • Fresh Scoops
  • Ricky Lee makes an appeal on current situation of Philippine Cinema: ‘Ito 'yung panahon na dapat hindi tayo divided

Ricky Lee makes an appeal on current situation of Philippine Cinema: ‘Ito 'yung panahon na dapat hindi tayo divided

Para kay Ricky Lee, malaki ang papel ng gobyerno at ng mga sinehan para isalba ang pelikulang Pilipino sa kasalukuyan nitong kalagayan.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

2/26/2019 11:57 AM
Ricky Lee makes an appeal on current situation of Philippine Cinema: ‘Ito 'yung panahon na dapat hindi tayo divided


Sa naganap na free screening ng 2000 film na Lagarista sa Cultural Center of the Philippines noong Sabado, February 23, ibinahagi ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee ang kanyang opinyon sa kasalukuyang problema sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Para sa batikang manunulat, bukod sa suporta mula sa mga manunuod, malaki ang papel ng gobyerno para isalba ang pelikulang Pilipino.

"I think dapat lahat tayo tulung-tulong na mag-invest at mag-sacrifice ng konti, kung tooong namamatay na (ang pelikulang Pilipino), para mabuhay natin. And I think malaki ang bahagi ng gobyerno dito para tulungan tayo. 

"Hindi natin pwedeng sabihin na, 'Pagandahin mo pelikula mo para panuorin,' I don't think gano'n kasimple yung isyu e. I think lahat dapat mag-converge at mag tulung-tulong. Ito yung panahong dapat hindi tayo divided," pahayag ni Ricky Lee. 

Una nang nagbigay na kani-kanilang opinyon ang ilang kilalang personalidad sa industriya tulad nina Ogie Diaz, Erik Matti, at maging ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair na si Liza Diño.

READ: Ogie Diaz shares suggestions to possibly help the current state of movie industry

READ: Erik Matti: ‘We cannot go on making movies where no one sees them’

READ: Liza Diño, muling bumuwelta kay Erik Matti

Aminado si Ricky Lee na isa sa mga challenge ng mga filmmakers ay ang pag-usbong ng mga bagong digital platforms na mas pinipili ng mga manunuod kaysa sa mga aktwal na sinehan.

"Hindi mo naman mapipigilan ang mga tao ngayon na manuod sa gadgets etc. Ang kailangang ipaglaban ay ang magkaroon ng espasyo sa big screen, so malaki ang maitutulong ng gobyerno at ng mga sinehan. And that make the cinemas more accessible, e ang mahal mahal.

"Dapat fair chance ibigay sa lahat ng klase ng pelikula, rather than investing lang sa very commercial na pelikula," pahayag ni Ricky sa PUSH.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#tonigonzaga #paulsoriano #rickylee 👂💡📒

A post shared by Celestine. Seve. Alex. LBJ (@tgsagsswarrioretez) on

 

Samantala, ibinahagi rin ng Don Carlos Palanca Awardee sa PUSH na babalik na siya sa paggawa ng pelikula ngayon, matapos ang ilang taong pagpopokus sa pagtuturo sa mga workshops. Kuwento niya, "May mga tinanggap na akong mga film assignments pero lagi kong sinasabi na 'wag rush. Dapat may time ako.

"I have a project with Lav Diaz, na two-three years na (sinimulan), at natapos ko na ang first draft. I think we'll do it na this year... I have a project din with Paul Soriano, Mac Alejandre, Alvin Yapan, etc." dagdag niya. 

Si Ricky Lee ay kilala sa pagsulat ng ilang klasikong pelikula, libro at stageplays. Ang ilan sa mga pelikula niya ay ang Anak, Karnal, Jose Rizal, at Himala. Sa mahigit 150 na bilang ng pelikula, naka-trabaho na rin ni Ricky Lee ang mga batikang direktor na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.