Bida sa isang horror movie na Second Coming ang aktres na si Jodi Sta Maria kasama si Marvin Agustin.
Pagmamalaki ni Jodi, hindi niya inakala na magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang pelikula na kasabay niyang ginagawa sa dating teleserye Sana Dalawa Ang Puso.
Bukod sa pag-aartista, abala din ngayon sa kanyang pag-aaral si Jodi na kumukuha ngayon ng kursong BS Psychology.
“Konti na lang, konti na lang. Next year matatapos na tayo sa ating school and we’re looking forward to that,” sabi pa ni Jodi.
At marami din sa social media followers ni Jodi ang na-iinspire sa pagpapatuloy niya sa kanyang edukasyon.
“Ako I really believe talaga na it’s God who puts dreams into our hearts. And if He put dreams in our hearts, it’s His intent to fulfill so we have to do our part naman and focus that these dreams come true,” pahayag pa ng aktres.
Ngayong February 27 mapapanuod ang Second Coming.