Jericho Rosales, sino ang pipiliin kina Jacky at Jade?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/26/2019 11:09 AM
Jericho Rosales, sino ang pipiliin kina Jacky at Jade?


Patuloy na pinag-uusapan at sinusubaybayan gabi-gabi ang teleseryeng Halik na pinaghibidahan ni Jericho Roasales.

At isa na palaisipan ngayon ay kung ano nga ba ang kahihinatnan sa kuwento ni Lino, Jade, Ace, at Jacky.

Para kay Jericho Rosales na gumaganap bilang si Lino, nagde-debate pa hanggang ngayon ang creative team ng top-rating teleseye kung ano ang magiging ending ng kanilang kuwento.

“Actually since day one big question na sa amin kung ano ang magiging ending ng Halik. Sa progreso ng show namin patuloy na debate yun sa amin. Thank you so much sa pagiging involved ng mga tao. We appreciate it all, your opinions and lahat ng sinasabi ninyo,” kuwento ni Jericho.

Dahil halos araw-araw niyang ginagampanan ang papel ni Lino, nagbigay ng advice si Echo sa conflict ng kanyang role na hindi madali lutasin.

“This moment, dapat si Lino mag-focus muna doon sa nangyayari sa anak niya. And yeah may feelings siya kay Jackie, pero kung ako tatanungin mo bilang lalake hindi pa pwede eh. Kumbaga sa ano hindi pa tama,” kuwento pa ng aktor.

Bilang isang lalaki, aminado siya na mahirap kalimutan ang mga pagkakamaling ginagawa ng karakter ni Jade.

“Kung tutuusin langl kung babalikan natin yung mga ginawa ni Jade, parang ano kasi ang sakit. Ang tindi talaga ‘di ba? Parang binasura eh,” pahayag pa ng aktor.

Inaasahan na more conflicts at more pasabog pa ang magaganap sa paparating na mga episodes ng Halik na napapanuod gabi-gabi sa ABS-CBN.