Coco Martin, bumisita sa burol ni Kristoffer King

Nagbigay ng kanyang huling pamamaalam si Coco Martin sa isa sa kanyang mga naging kasabayan sa mundo ng Indie films.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/26/2019 12:45 PM
Coco Martin, bumisita sa burol ni Kristoffer King


Photo courtesy Ann Gavino Facebook account

Hindi binigo ng aktor na si Coco Martin ang mga naulila ng namayapang indie actor na si Kristoffer King.

Pumanaw si King (Christopher Reyes sa tunay na buhay) nitong 23 ng Pebrero sa Adventist Medical Center Manila.

Isa si Kristoffer King sa mga kasabayan ni Coco Martin noong siya ay nag-uumpisa pa lamang na gumawa ng indies.

Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Coco at Kristoffer ay mga likha ni Brillante Mendoza, tulad award wining movie na Masahista (2005) at Serbis (2008).

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

😔😔😔

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

Noong Lunes ng gabi, Pebrero 25, bumisita si Coco sa lamay kasama ang direktor na si Brillante Mendoza.

Photo courtesy Ann Gavino Facebook account 

Matatandaan din na minsan din naging bahagi si Kristoffer King ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Kasalukuyan na nakalagak sa Rizal Funeral Homes sa Pasay ang mga labi ng aktor at hindi pa tiyak kung kailan ang araw ng libing.