Kasabay ng naging tagumpay bilang 2018 Miss Universe, isa ngayon sa nais ipakilala ni Catriona Gray sa buong mundo ang ganda at kultura ng Pilipinas.
Sa naganap na media conference ng Binibining Pilipinas para sa grand homecoming celebration ni Gray, isa sa mga naging usapan ang kanyang hangarin na isulong ang pa ang turismo ng Pilipinas.
“I would further develop our provinces and share more what we have to offer. Not just to publicize Boracay, Manila, and Palawan. You know, we have different beautiful places we have here in the Philippines, in Visayas and Mindanao where people do not necessarily think of to visit,” aniya sa press.
Dito, muling binalikan ni Gray ang kanyang experience noong naghahanda pa siya para sa kanyang national costume.
“When I was travelling around and researching for my National Costume, I just fell in love with how rich our culture is,” ani Catriona.
Nais din na ipagmalaki ng reigning Miss Universe ang iba pang magagandang lugar sa Pilipinas lalo na ang Mindanao.
Ayon pa kay Catriona, bukod sa natural na ganda ng Pilipinas, hangad niya mas mahalin pa ng kapwa Pilipino ang sariling bayan.
“And when people only know how much we have to offer, they will see how unique the Philippines is. And they will have reunited passion or desire to explore the Philippines not just in a tourist way, but to come how beautiful the Philippines as a nation,” pahayag pa ng Pinay Miss Universe.