• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray gets emotional after receiving a message from Tondo kids

Catriona Gray gets emotional after receiving a message from Tondo kids

‘It makes everything worth it,’ emosyonal na pahayag ni Catriona Gray.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/26/2019 11:46 AM
Catriona Gray gets emotional after receiving a message from Tondo kids


Isang emosyonal na Miss Universe 2018 Catriona Gray ang napanuod sa episode ng Magandang Buhay kahapon, February 25. Hindi na napigilan ni Catriona ang maluha nang sorpresahin siya ng mga momshie hosts ng isang video greeting mula sa mga bata ng Young Focus Philippines. 

Sa naturang mensahe, proud at nagpasalamat ang mga batang Tondo na itinuring nang ate si Catriona bago pa man ito sumasabak sa pagpa-pageant. Ang Young Focus din ang ibinidang adbokasiya ni Catriona sa nakalipas na Miss Universe 2018.

"Masayang masaya po ako para kay ate Cat, kasi po siya ang nanalo para sa amin. Pinaglaban niya po yung Tondo para sa amin," sabi ng isa sa mga bata. "Dati po pariwara ang buhay ko, pero ngayon dahil po sa kanya, tinanggap ulit ako ng magulang ko," kuwento naman ng isa pa.

Habang naluluha sinagot ito ni Catriona, "Sobrang emosyonal ko ngayon kasi working with Young Focus was really the reason why I went to the pageantry into the first place.

"Because I couldn't just do nothing about it, when I saw how they were living. I knew that it was something that I just wanted to happen, and knowing that I'll be able to do something to their lives, it makes everything worth it," paliwanag ni Catriona.

 

Maaalalang sa episode din ng Magandang Buhay noong November 20, nakasama mismo ni Catriona ang mga bata ng Tondo sa studio ng naturang programa. 

READ: Catriona Gray, naging emosyonal dahil sa mga bata ng Tondo

Mula sa unang pagbabalik noong December 20, tatlong araw matapos koronahan, isa ang Young Focus Foundation sa mga naging prayoridad ni Catriona. 

READ: Tondo kids go all out to support Miss Universe 2018 Catriona Gray

"I would love to talk to the head of the organization (Young Focus PH) and see how - going forward I can do something in particular using the platform that I have now for them," dagdag ni Catriona.

 

 

Samantala, sa parehong episode din ay tumanggap si Cationa ng parangal bilang 'Ambassador of Knowledge' mula sa Knowledge Channel Foundation Incorporated at Education Arm of ABS-CBN Integrated Public Service.