• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual and Janna Victoria, recall past love scenes from film ‘Lagarista’

Piolo Pascual and Janna Victoria, recall past love scenes from film ‘Lagarista’

Natatawa at nagtutuksuhan sina Piolo Pascual at Janna Victoria habang inaalala ang ilang love scenes mula sa kanilang unang pagtatambal sa pelikulang ‘Lagarista.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/25/2019 9:31 AM
Piolo Pascual and Janna Victoria, recall past love scenes from film ‘Lagarista’


Photo credit: @piolo_pascual on IG (L)

Kasama sa pagdiriwang ng ika-sandaang anibersaryo ng Pelikulang Pilipino, ang libreng pagpapalabas ng 2000 film na Lagarista sa Cultural Center of the Philippines nitong Sabado, February 23. Ang naturang free screening ay inorganisa at pinili ng Society of Filipino Archvist for Film (SOFIA) para sa opening salvo ng 16th Reflexive Cinema. Kasama sa mga nanood dito ang dalawang bida at magka-tambal sa naturang pelikula na sina Piolo Pascual at Janna Victoria. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

EXCITED FOR THIS LATER.... LAGARISTA, the 1998 film about a film biker who transports film reels between moviehouses that share single film prints, will be shown at the CCP Tanghalang Manuel Conde today Feb. 23 Saturday, at 3 p.m. Director Mel Chionglo and writer Ricky Lee will both be present to talk about the movie, with some of the cast members including Janna Victoria, Pen Medina, and myself will be there... The film will be introduced by NCCA Commissioner for the Arts Teddy Co. A short film by Jed Medrano, I LOVE YOU PIOLO, will be shown first. It's a documentary about the Solid Piolo group, a fans club composed of middle aged women fans with a devoted and loyal following for Piolo Pascual. LAGARISTA was the first starring role of Piolo in his stellar movie career. This 16th Reflexive Cinema Series in celebration of the Philippine Cinema centennial is presented by the Society of Filipino Archivists for Film, Solar Entertainment Corporation, National Commission for Culture & the Arts and CCP Media Arts Division. Thanks to Ms. Lou Gopez and Jojo Devera for mounting this event for SOFIA. FREE ADMISSION...

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

 

Ayon kay Piolo, masaya siyang makita ang ebolusyon ng pelikulang pilipino, bilang  may halos 20 na taon na mula nang ginawa niya ang Lagarista.

"Ang sarap lang balikan yung mga ganong memories. This spoke about the time during the late 90s to 2000. So nakakatuwa lang yung change of landscape and yung nagbabago sa kultura natin. And nakakataba lang po ng puso na nababalikan natin yung mga ganitong pagkakataon, and t just made me appreciate cinema even more because of this experience," pahayag ni Piolo sa isang after-screening forum ng naturang ganap. 

Tinuturing din na ito ang nagbigay kay Piolo ng malaking 'break' sa industriya, lalo na at naging nominado siya para sa Gawad Urian Awards bilang Best Actor dahil sa pagganap sa pelikulang ito. 

Samantala, naging 'memorable' din daw para kay Janna ang Lagarista, dahil ito ang pinaka-unang pelikulang nagawa niya. "It's an honor to be here, and nagpapasalamat po ako na after 20 years, napili niyo po ang pelikula namin. Eto yung pinaka-una kong pelikula. Wala po akong exposure, kahit sa TV, walang workshop, so sinabak po ako dito (agad)," kwento ni Janna. 

Hindi man naging tuluy-tuloy ang karera bilang isang aktres noon dahil sa personal na dahilan, masaya si Janna na naging parte siya ng Lagarista. "Tuwang-tuwa po ako dahil siyempre I'm very proud to be part of this film," sabi ni Janna na aminadong inaabangan niya ang pelikula na ipalabas sa Cinema One. 

"Naiiyak pa rin talaga ako, every time na papanoorin ko, hindi siya nakakasawa e. Lalo na 'yung love scene do'n, nakakaiyak," dagdag na biro ni Janna, na nagpatawa na rin kay Piolo. 

"Nilamig ka do'n. Sinipon ka do'n," patuloy na biro sa kanyang dating ka-tambal na tinutukoy ang isang love scene na kadugtong ay isang fight scene. "Hindi ko alam ba't ba natin ginawa yon," natatawang sagot naman ni Piolo. 

"Ang daya niya (Piolo), talagang tinali niya (para hindi mahulog ang tapis niya). Ang malas, kasi sa akin yung natanggal. 

"Alam niyo ba iniyakan ko 'yon, as in ang tagal kong nakiusap na please, please tanggalin niyo po (Direk Mel Chionlo) kasi hindi alam ng mga magulang ko na nag-artista ako," natatawang kwento ni Janna. 

Sa ngayon, nasa pagpa-plano na ng Solar Entertainment ang paggawa ng restored version ng pelikula at muling ipalabas sa mga sinehan ito.