Loisa Andalio, selosa nga ba?

Ipinaliwanag din ni Loisa Andalio na mas nakilala na nila ni Ronnie Alonte ang isa’t isa ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/24/2019 10:04 AM
Loisa Andalio, selosa nga ba?


Photo credit: @iamandalioloisa IG

 

Aminado ang Kapamilya star na si Loisa Andalio na mas nag-mature sila ngayon ng kanyang special someone na si Ronnie Alonte. Kasunod ito ng napabalita noon na muntik nilang hiwalayan.

READ: Ronnie Alonte, aminado sa ‘di nila pagkakaintindihan ngayon ni Loisa Andalio

Kuwento ni Loisa sa launching ng kanyang bagong endorsement sa Gluta C, mas pinili nila ngayon ni Ronnie na magpakatotoo sa kanilang mga damdamin.

“Kami ni Ronnie, sobrang naging okay kami sa mga tao. Kasi para sa akin, bakit natin itatago kung ano ang meron tayo, obvious naman at halatang halata naman e ‘di ba?” aniya sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

“Ang panget naman kung makikita tayo ng mga tao na very sweet tapos hindi naman talaga tayo, parang hindi naman maganda ‘yun. Para sa akin, mas okay na nakikita nila tayong sweet, at least alam nila, ‘Ah kaya sila sweet kasi sila,’” paliwanag pa niya.

Dito, binigyang linaw din ni Loisa ang naging pag-sagot ni Ronnie sa isang netizen na kumukuwestyon sa hindi pagsasabi ni Ronnie ng “I Love You” sa isa’t - isa.

“Hindi kasi si Ronnie talaga maganun e (nag-i-I love you) sinasabi kasi niya sa akin ng personal (giggles). ‘Yun naman ang mas importante po talaga, ‘di ba? Kasi minsan hindi natin alam na very sweet ‘yung iba sa social media pero importante pa din ‘yung totoo,” paliwang ni Loisa.

Pagbibiro pa ng Kapamilya star, naranasan na din umano niya ang pakitang tao na sweetness sa kanyang nakarelasyon noon.

“Wala po akong tinutukoy! (Laughs),” masayang sabi pa niya.

Kung tatanungin naman sa pagiging selosa, 

“Lahat naman siguro ng may jowa selosa, pero depende kung kanino ka mag seselos. Pero kasi ‘di ba, hindi ka naman mag seselos kung wala ka naman dapat na ipag selos? Dapat bilang may jowa, alam dapat natin kung ano ang limit natin, para walang mag seselos at masasaktan,” pahayag pa ni Loisa.

 

 

Sa ngayon, patuloy na napapanuod si Loisa at Ronnie sa hit Kapamilya series na The General’s Daughter at naghahanda din sa kanilang pelikula sa Star Cinema.