Enzo Pineda, handa na nga ba sa mature roles?

Masaya si Enzo Pineda na marami ang nakaka-appreciate sa kanyang pagpapa-sexy.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/24/2019 10:17 AM
Enzo Pineda, handa na nga ba sa mature roles?


Photo credit: @its_enzopineda IG

 

Matapos magpakilig sa pelikulang Time and Again ng Kapamilya star na si Enzo Pineda, isa muling proyekto ang nakatakdang gawin ni Enzo sa Kapamilya network.

Isa si Enzo sa mga mapapanuod sa upcoming series ma Nang Ngumiti Ang Langit kung saan malakasama niya sina RK Bagatsing at Christine Reyes.

READ: Enzo Pineda, bibida sa isang bagong telerserye kasama si Cristine Reyes

Kuwento ni Enzo, todo na ang kanyang paghahanda para sa upcoming series na ito.

“Yes lalabas po ito for the first quarter of the year, and happy po ako na approved na po ito ng management and malapit na malapit ma po kaming ipalabas,” aniya sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Kuwento ng Kapamilya actor, matagal ang naging preparasyon niya para sa nasabing proyekto.

“Yes I’ve been preparing since last year, as well as my lifestyle. I just do it din for health purposes. And happy ako na may nai-o-offer ako besides acting, and nai-o-offer ko naman ang katawan ko (laughs) which I’m happy kasi nakikita ‘yung efforts and na-appreciate ‘yun,” sabi pa ni Enzo.

Bukod sa upcoming Kapamilya series, isang mapangahas na role din ang ginagampanan ngayon sa iWant series na Hush.

“May iWant episode po ako ‘yung Hush more on the sexy side may episode po ako doon lumabas na titled Made For Each Other. available po siya sa streaming from 11 pm to 6 am. It’s more on sexy side type of series,” sabi pa niya.

At dahil nalilinya ngayon sa pag papa-sexy hindi naiwasan na maitanong kay Enzo kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay para sa isang role.

“For me as an artist, kung bibigyan ng tamang role, istorya yes I think I would, but I have to talk about it kung kailangan ba talaga sa eksena,” patuloy pa ni Enzo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

V day ready🌹 #valentines

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda) on

 

“Kasi right now with everything that is happening with Netflix, ‘yung mga viewers natin ngayon open minded na sila e, sa Netflix ang daming nudity but it’s done artistically. So I’m happy na dumarating tayo sa point ng films and movies na lahat nang viewers natin is open minded na,” pahayag pa niya.

Inaasahan na sa unang bahagi ng 2019, ipapalabas ang Nang Ngumiti Ang Langit.