• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, ibinahagi kung paano binabawi ang oras sa pamilya

Beauty Gonzalez, ibinahagi kung paano binabawi ang oras sa pamilya

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/24/2019 10:11 AM
Beauty Gonzalez, ibinahagi kung paano binabawi ang oras sa pamilya


Photo credit: @beauty_gonzalez IG

 

Matapos ang naging pagganap ni Beauty Gonzalez sa papel bilang si Nancy Dela Rosa sa pelikulang Bato na binigyang buhay ni Robin Padilla, tila isa muling proyekto ang nakatakdang gawin ng Kapamilya star kasama si Binoe.

Sa huling panayam ng PUSH kay Robin, sinabi nito na nasa plano na ang magkaroon ng isang series sa Netflix ng Bato kung saan siya muli ang gaganap.

READ: Beauty Gonzalez, nasabik sa pagbabalik aksyon ni Robin Padilla

“Mayroong series noong Bato madami pa po e meron pa ‘yang series e, sa Netflix tungkol sa drug war,” aniya pa sa panayam ng PUSH.

READ: Robin Padilla, magiging abala sa pelikula ngayong 2019 

Pero ayon kay Beauty, hindi pa din siya nasasabihan tungkol dito.

 “As of now wala pa naman binabalita sa akin, but siguro hindi ko pa alam,” paglilinaw ni Beauty.

At kung muling magiging bahagi ng nasabing series: “Yes naman I want to be part of it pa din. It’s a good story to watch out for,” sambit pa ng Kapamilya actress.

Ngayong hindi pa nasiimulan ang Bato series, tutok muna daw ang aktres sa tumitinding mga eksena sa Kadenang Ginto at bilang isang ina sa kanyang only daughter na si Olivia.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Always moving forward🖤

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

 

“Sa teleserye ubusan talaga ng oras, kaya I always ask ABS-CBN for few months of break before (starting) another teleserye so I can give time with them (family),” sabi pa niya.

Nailuwento din ni Beauty kung paano sila mag-bonding ng asawang si Norman at ng kanilang anak.

 

 

“Nakakabawi naman, we travel abroad kami lang tatlo. No Yaya so super bonding talaga,” pahayag pa ni Beauty.

Sa ngayon, patuloy na napapanuod si Beauty sa painit na painit na mga eksena sa afternoon teleserye na Kadenang Ginto.