• Home
  • Fresh Scoops
  • New mom Korina Sanchez introduces fraternal twins Pepe and Pilar

New mom Korina Sanchez introduces fraternal twins Pepe and Pilar

Korina Sanchez, pinangalanang Pepe at Pilar ang mga anak na fraternal twins

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/23/2019 11:17 AM
New mom Korina Sanchez introduces fraternal twins Pepe and Pilar


Photos credit to the owner

Sa ulat ng TV Patrol, pinakilala na sa wakas ng new mom at Rated K host na si Korina Sanchez ang kanyang mga anak na fraternal twins. 

READ: Korina, Mar welcome baby twins

Alas tres ng umaga at gising na gising pa si Korina para bantayan ang kanyang dalawang “munting anghel.” Unang pinakilala ni Korina ang anak na lalaki at panganay sa kambal, “Si Pepe… Siya ang aking Pepe, ang munting prinsipe…”

Matapos nito pinakilala naman ni Korina ang bunso sa dalawa at ang kanyang “beauty queen” diumano, “At ito naman ang aking beauty queen, meet Pilar…” sabi ng excited na Mommy. 

Ayon pa sa ulat, si Pilar ay mas morena kesa kay Pepe. Matangos din ang ilong at malaki at bilugan ang mga mata nito. Pala-ngiti at alerto rin si Pilar.

Lagi namang tulog si Pepe. Malambing daw ito at matigas ang ulo. Parang prinsipe raw si Pepe dahil maputi at matangos ang ilong.

Feeling super Dad naman daw ang daddy ng kambal na si Senatorial candidate Mar Roxas na parating karga sina Pepe at Pilar. 

READ: Korina and Mar busy taking care of their twins

Pangako ni Korina, ikukwento niya ang journey nila ni Mar kung paano sila nagkaroon ng Pepe at Pilar sa Rated K, ngayong Linggo, February 24.