Teejay Marquez, bibida sa ‘MMK’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/22/2019 5:22 PM
Teejay Marquez, bibida sa ‘MMK’


Photo credits: @teejaymarquez IG

Masayang masaya ngayon ang aktor na si Teejay Marquez sa patuloy na pagbuhos ng mga proyekto ngayon sa kanya.

Una na rito ang mainit na pagtanggap sa kanya ng kanyang Pinoy fans para sa unang pagsabak niya ngayong darating na Sabado sa Maalaala Mo Kaya.

 

“I’m back sa Pilipinas. Sa ngayon, I’m busy doing shoots with Bench tapos kakatapos ko lang gumawa ng first MMK ko. Happy at kinakabahan kasi syempre MMK yun, eh,” kuwento ni Teejay.

Bukod sa acting career, abala rin ang aktor sa kanyang karera sa Indonesia kung saan gumawa siya ng pangalan at mas nakilala ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thanks for watching @initalkshowofficial 🤩 terimahkasih semuanya 🥳

A post shared by @ teejaymarquez on

 

“Soon I’m about to go back again this March sa Indonesia for a project but if maging ok sa plan yung project here sa Pilipinas, baka magkaroon ng changes,” sabi pa niya.

Nagbigay update rin ang aktor para sa panibagong version ng Meteor Garden kung saan isa siya sa mga hinangaan.

“Yup it’s already done. Super successful 1 year din kami nag-air at grabe ang pagtanggap sa’min sa Indonesia, nakakataba po ng puso.” 

At ngayong nagbabalik sa Pilipinas, looking forward ngayon ang aktor sa patuloy na pagdating ng mga trabaho sa kanya.

“Step by step. Eto na first project ko MMK so sana maging susi po ito and masundan ng iba pang project lalo na po teleserye. Nakakamiss din po na magshare ng talent sa kapwa ko Pilipino. Sa movies naman po, meron na rin po nakaline up na rito sa Pilipinas,” pahayag pa niya.

Bukod sa pagtanggap ng mga proyekto sa TV at pelikula, abala din ngayon si Teejay bilang isang vlogger kung saan mas nakakabonding pa niya ang kanyang mga taga-suporta.