Korina Sanchez reveals her babies’ names

Korina Sanchez at Mar Roxas, pinangalanang “Pepe” at “Pilar” ang mga anak na fraternal twins.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/22/2019 9:29 PM
Korina Sanchez reveals her babies’ names


Sa ulat mula sa TV Patrol, pinakilala na sa wakas ng Rated K host na si Korina Sanchez ang kanyang mga anak na fraternal twins. 
 
 
Alas tres ng umaga sa Pennsylvania, US pero gising na gising pa si Korina para bantayan ang kanyang dalawang “munting anghel.” Unang pinakilala ni Korina ang anak na lalaki at panganay sa kaambal, “si Pepe… Siya ang aking Pepe, ang munting prinsipe…”
 
Matapos nito pinakilala naman ni Korina ang bunso sa dalawa at ang kanyang ‘beauty queen’ diumano. “At ito naman ang aking beauty queen, meet Pilar…” sabi ng excited na mommy. 
 
Ayon pa sa ulat, si Pilar ay mas morena kaysa kay Pepe. Matangos din ang ilong at malaki at bilugan ang mga mata nito. Pala-ngiti at alerto rin si Pilar. 
 
Lagi namang tulog si Pepe. Malambing daw ito at matigas ang ulo. Parang prinsipe raw si Pepe dahil maputi at matangos ang ilong nito.
 
Feeling super dad naman si Senatorial candidate Mar Roxas na parating karga sina Pepe at Pilar. 
 
 
Pangako ni Korina, ikukwento niya ang journey nila ni Mar kung paano sila nagkaroon ng Pepe at Pilar sa Rated K, ngayong Linggo, February 24.