• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Teñoso, nag-react sa issue na ginagaya niya raw ang style sa pagkanta ni Moira Dela Torre

Janine Teñoso, nag-react sa issue na ginagaya niya raw ang style sa pagkanta ni Moira Dela Torre

Singer Janine Tenoso, ‘super crush’ si Carlo Aquino at hindi raw ginagaya si Moira Dela Torre.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

2/22/2019 10:31 AM
Janine Teñoso, nag-react sa issue na ginagaya niya raw ang style sa pagkanta ni Moira Dela Torre


Si Janine Tenoso ang umawit ng mga theme songs para sa mga pelikulang Sid and Aya, Para sa Brokenhearted at 100 Tula Para Kay Stella. Sa unang pagkakataon, nakaharap niya ang King of Talk Boy Abunda.

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Janine na “never” pa siyang nagkaka-boyfriend kung kaya ang pinaghuhugutan daw niya ng mga kanta tungkol sa pag-ibig ay, “yung mga bad experiences ko sa life, not necessarily about love…” Dagdag pa ni Janine, choice niya ang hindi muna pumasok sa isang relasyon.

Inamin din niya na “super” crush niya si Carlo Aquino. Kuwento ni Janine kung paano nagsimula ang crush niya sa actor. “Nakita ko siya sa isang mall, nag-smile ako sa kanya and he smiled back. Sabi ko nakakakilig naman kasi hindi niya ako kilala. Kasi he was very polite.” 

Sa issue naman na ginagaya niya daw ang style ng pagkanta ni Moira Dela Torre, ito ang reaksyon ni Janine, “Hindi naman po Tito Boy. I believe everyone has their own unique style in song writing, in singing and in performing also.”

Nang tanungin kung fan siya ni Moira, ang sagot ni Janine ay magkaibigan daw sila ni Moira dahil sa kapatid ni Janine. “We used to sing together in gigs. We were friends, kasi yung sister ko po friends with her. I was 15 years old and she was 19,” ani Janine.

Paglilinaw pa ni Janine, “Yung way of singing ko since I was young ganito na talaga, so it comes out naturally.” 

Si Janine din ang kakanta sa theme song ng Ulan kung saan bibida ang crush niyang si Carlo at Nadine Lustre.