• Home
  • Fresh Scoops
  • Apey Obera apologizes for her previous breakdown in PBB House, gets emotional

Apey Obera apologizes for her previous breakdown in PBB House, gets emotional

Ikinuwento rin ni Apey Obera ang malungkot na pinagdaanan bago siya makapasok sa Pinoy Big Brother Otso.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/22/2019 11:01 AM
Apey Obera apologizes for her previous breakdown in PBB House, gets emotional


Photo Credit: @itsapeyoberaofficial_ on IG (R)

Hindi na napigilan ng Pinoy Big Brother ex-housemate na si Apey Obera ang maging emosyonal sa episode ng Magandang Buhay noong February 20. Nagsimulang maluha si Apey nang inalala ang insidente na sumigaw at sinagot niya ang nakatatandang kapatid at co-housemate noon na si Mark Obera.

 

"Hindi po (alam ng) karamihan yung pinagdaanan ko. Pero alam ko naman po 'nung una pa na kasalanan ko po, may mali ako. Kasi hindi ko po napigilan yung emosyon ko," pag-amin ni Apey habang naging emosyonal na nagpapaliwanag ng sarili sa kanyang inasal.

READ: Apey Obera reveals what she regrets inside the Big Brotherhouse

READ: PBB Otso housemate Mark Obera, nasaktan sa sitwasyon nila ng kapatid na si Apey

"Ayun na po, natuto po ako sa mga pagkakamali kong 'yon, kasi unang una po, kahit ako nagulat din ako sa sarili ko 'Bakit ko nagawa 'yon?' Kasi hindi (naman) po ako ganon.

"Sobrang nasakatan ko yung kuya ko. Na-realize ko na, mali rin pala na ipaglaban mo yung gusto mo pero nakakasakit ka na ng isang tao, kapamilya mo pa," dagdag ni Apey.

Nagbigay ng kani-kanilang suporta at pang-intindi ang mga momshie hosts para kay Apey na nahihirapang tumigil sa pag-iyak. "Ang importante in-acknowldge niya yung mali niya," sabi ni Melai Cantiveros. "Tsaka hindi si Apey yun di ba, pumutok lang. Nako pag ako pumutok sa inyo sabog sabog na lahat," pabirong pagtatanggol naman ni Karla Estrada.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tysm @vanmercado ✨ till next time po ...

A post shared by Apey Obera (Official) (@itsapeyoberaofficial_) on

 

Sa parehong episode din ay ikinuwento ni Apey, na laking General Santos City, ang minsang pag-alis siya sa kanyang ina at lola. 

"Pinilit kong lang yung sarili ko na maging matatag noong araw na 'yon, (hanggang sa) may tumulong sa akin na ale," kuwento ni Apey na inaming may malalim na hindi pagkakaintindihan noon sa ina, habang may labin-tatlong taon nang hindi nakikita muli ang lola. 

Mula nang naging independent ay nasubukan na rin ni Apey ang mamasukan bilang kasambahay, karinderia girl, at crew member sa isang fast food chain. 

"Masarap sa pakiramdam po na may mga tao pa rin na handa akong tulungan, kaya simula po n'un naging malapit na ako sa mga nanay, mga nagtitinda sa palengke," pahayag ni Apey.

Na-evict si Apey noong February 10 sa Pinoy Big Brother House. Kasabay ng pagka-tanggal, bagong dagdag naman bilang opisyal na housemate si Mary Grace, ang Inday Taray ng Davao Occidental.