• Home
  • Fresh Scoops
  • Is Catriona Gray confirming breakup with model Clint Bondad?

Is Catriona Gray confirming breakup with model Clint Bondad?

Catriona Gray was asked to choose between crown or love life.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/21/2019 10:09 AM
Is Catriona Gray confirming breakup with model Clint Bondad?


Photo Credit: @clintbondad on IG

Sa ulat ng TV Patrol, napaiyak si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mainit na pagsalubong sa kanya sa kanyang pagbabalik bansa. Isa raw sa rason kung bakit siya naging emsoyonal ay pagkakita niya sa mga taong tumulong sa kanya sa pagkamit ng kanyang mga pangarap. “Seeing everyone from Binibini and of course Madame Stella (Araneta); they were the ones who gave me the opportunity to even pursue Miss Universe.”

Sa pagbabalik bansa ni Catriona, ipagpapatuloy niya ang kawang gawa at pagtulong sa mga kabataan ng Young Focus sa Tondo, Maynila. Bibigyang pansin din niya ang HIV campaign. “It is a problem that not only addresses so many, but young people. 15 to 24 years old is the majority of the new HIV cases… So when you think about it, these are teenagers, these are kids that may still be in school that haven’t even had the chance to go out and pursue their dreams.”

Sa tanong naman na crown o love life, hindi nag-alinlangan si Catriona at agad niyang pinili ang crown. “The crown. Muna. It’s a once in a lifetime opportunity and being away and the distance and everything. I’m a very focused person and I really do want to give everything that I have into this journey,” ani Catriona.

Bago ito, nagkaroon na nang bulung-bulongan na nag-cool off na sila ng model-boyfriend na si Clint Bondad noong December 2018.

READ: Model Clint Bondad on unfollowing girlfriend Catriona Gray on Instagram: “Everyone just calm down”