• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Alco Guerrero clears up rumors about Maymay Entrata’s supposed role as Catriona Gray on MMK

Director Alco Guerrero clears up rumors about Maymay Entrata’s supposed role as Catriona Gray on MMK

Director Alco Guerrero says Maymay Entrata meeting designer Jojo Bragais was for a modeling appointment.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/21/2019 11:15 AM
Director Alco Guerrero clears up rumors about Maymay Entrata’s supposed role as Catriona Gray on MMK


Photo Credit: @maymay/ @alco_guerrero/ @catriona_gray IG

Naging usap-usapan ang litrato kung saan nakasama ni Maymay Entrata ang shoe designer ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Jojo Bragais. Ayon sa mga netizens, mukhang si Maymay ang napiling gumanap bilang si Catriona sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ngunit wala namang opisyal na anunsyo tungkol dito.

Read: Maymay Entrata, gaganap ba bilang Catriona Gray sa MMK?

Matapos dumating ang beauty queen, tinanong ng isang netizen si director Alco Guerrero tungkol sa litrato ni Maymay at nilinaw nito na hindi ito para sa MMK kung hindi para sa kanyang pagrampa at pasabog sa homecoming ni Catriona sa daarating na Linggo, Pebrero 24, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

“Hello MayWard fam!!! Now that it’s out let’s clarify things. What we shot with Maymay and team Catriona is part of the show, and Maymay will be part of something special for the live event – she’ll be walking the runway,” ani Alco sa Twitter.

“[I’ve] been wanting to clarify since the shoot but of course we have to wait for official announcements. Ginapos ko na nga yung hands ko eh… joke,” dagdag pa niya.

Screenshots from: 4.bp.blogspot.com

Inihayag naman ni Catriona sa isang interview na gusto niyang gumanap si Maymay bilang kanyang sarili kung sakaling ipapalabas ang kwento ng buhay niya sa MMK.

Read: Catriona Gray wants Maymay Entrata to star in her life-story for MMK