• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, may payo sa susunod na Miss Universe Philippines

Catriona Gray, may payo sa susunod na Miss Universe Philippines

Nagbigay ng ilang tips sa kanyang successor si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/21/2019 3:16 PM
Catriona Gray, may payo sa susunod na Miss Universe Philippines


Isang inspirasyon ngayon si 2018 Miss Universe Catriona Gray para sa mga aspiring 2019 Miss Universe Philippines candidate.

Ito ay matapos ang kanyang markadong “Slow-mo turn“ at “Lava Walk” sa Bangkok, Thailand kung saan siya kinoronahan bilang Miss Universe.

 

At sa nalalapit na muling pag-arangkada ng Binibining Pilipinas ngayong 2019, napa-throwback si Cat sa kanyang naging journey sa pag-abot sa korona.

“It’s really you have to be true to yourself, because you know, we’re so lucky here in the Philippines, to be surrounded by amazing teams of people who lift you and carry you throughout your preparations,” aniya sa naganap na media conference nitong Miyerkoles.

Pero paliwanag pa niya, kahit na buhos ang suporta ng kanyang pageant team, kailangan pa din ng lakas ng loob at determinasyon sa laban.

“But once you get there and compete, you’re all alone. In a sense that you’re by yourself and you may have naman the social media, but  essentially you’re by yourself,” aniya.

Naniniwala din ang reigning Miss Universe na tamang inspirasyon ang isa sa kanyang naging sikreto sa naging laban sa pageant.

“You need to stay true to yourself and have that strength whether you draw it from your advocacy, whether you draw it from your supporters, whether from your family. You need to have that strength.

Because through those moments in the pageant, you are overwhelmed. When you are feeling doubtful, that happened to me, and that’s where I drew strength from. And it carried me all the way through even until now there are moments  that I’m homesick. But I always remember why I’m here and it keeps me going,” sabi pa ni Cat.

At sa mga nagnanais na sumali sa 2019 Binibining Pilipinas at gustong makuha ang Miss Universe Philippines crown, ito ang naging payo niya.

“It would be, is to know why you’re doing this.  Is it for you to gain new opportunities? Is it a stepping platform to something? Is it your advocacy? Is there another motivation? You need to find a purpose in your doing this. Throughout the whole journey you will need that purpose to hold on to and that’s what is going to carry you through,” ani Catriona.

Sinabi niya rin na dapat ang kandidata ay maging ‘true to her vision’ at tulad niya na naging hands-on sa lahat ng aspeto maging sa costume at  sa presentation sa pageant.

Panoorin sa video ang kabuuan ng payo ng beauty queen sa mga gustong makamit ang korona sa darating na Binibining Pilipinas pageant: