• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit inakala ni former PBB Otso housemate Apey Obera na dessert ang spaghetti?

Bakit inakala ni former PBB Otso housemate Apey Obera na dessert ang spaghetti?

Former PBB Otso housemate Apey Obera, may kuwentong spaghetti at elevator na magpapatawa at aantig sa puso niyo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/21/2019 10:35 AM
Bakit inakala ni former PBB Otso housemate Apey Obera na dessert ang spaghetti?


Sa pakikipag-usap niya sa King of Talk Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, kinuwento ni Pinoy Big Brother Otso former housemate Apey Obera kung bakit inakala niya dati na dessert ang spaghetti.

Nagsimula ang kuwentong spaghetti ni Apey sa pagpunta nila noon ng kanyang Lola sa mga bahay-bahay para makikain tuwing may okasyon. “Hindi naman namin afford yung mga spaghetti dati. Tuwing may okasyon po, piyesta o ano, namamahay po kami at nakikikain kami… siyempre mga lamig na, galing na sa bisperas ng Pasko,” kwento ni Apey.

Dagdag pa ni Apey, “Tapos nilagay na sa ref yung mga pagkain na yun, akala ko yung spaghetti kahelera niya ang fruit salad at mga matatamis na pagkain na malalamig. Kasi binibigay po sa amin malamig na po.”

Nang tanungin ni Boy Abunda kung kailan niya nalaman na hindi dessert ang spaghetti, sagot ni Apey ay “nung nag-Gen San na po ako. Nag-mall kami, first time ko pong mag-mall nun, sumakay sa elevator.”

Dahil sa nabanggit ang elevator, kinuwento din niya ang nakakatawa niyang istorya tungkol sa first time niyang pagsakay sa elevator noong araw din na yun. “Hindi ko pinindot kasi hindi ko alam… pagsakay namin nagtinginan kami ng kasakayan ko kung sinong pipindot. Pero ako po talaga ang unang sumakay...” ani Apey.

Tinanong pa diumano siya ng kasakay niya ng, “saan ka,” na sinagot naman ni Apey ng, “kahit saan po.”

Pero pagmamalaki ni Apey kay Tito Boy, “Pero ngayon Tito Boy, pag pasok ko ng elevator ako na ang nagtatanong, ‘ma’am, sir, what floor po?’

Fan din si Apey ni Maja Salvador at nagpa-sample siya ng kanyang mga Maja moves. 

READ: Apey Obera reveals what she regrets inside the Big Brother house