• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong bukas na kainan/events venue ni Neri Naig, muntik masunog

Bagong bukas na kainan/events venue ni Neri Naig, muntik masunog

Their neighbors and the staff saved Neri Naig-Miranda’s new business.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/21/2019 10:55 AM
Bagong bukas na kainan/events venue ni Neri Naig, muntik masunog


Photo Credit: @mrsnerimiranda/ @nerisnotsosecretgarden on IG

Muntik abutan ng sunog ang bagong bukas na resto and events place ni Neri Naig na Neri’s Not So Secret Garden sa may Tagaytay-Nasugbu Highway, Laurel, Batangas. Ibinalita ito ni Neri sa Instagram at sinabing nagsiga ang kanilang kapitbahay at muntik nang abutin ang bandang garden ng bagong bukas niyang shop.

“Nagsiga kasi ang caretaker sa baba, ang lakas ng hangin, ayun ang bilis kumalat. Buti na lang teamwork ang Neri's at kahit papaano ‘di umabot sa garden. At ang bilis rumispunde ng fire department ng Alfonso. At siyempre kay Vice Mayor Salamat, sobrang salamat sa pagtulong agad sa amin. At sa mga staff ng Wild Juan para ibigay sa amin ang extra fire extinguisher. Maraming salamat po!” ani Neri.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kamuntikan na ang @nerisnotsosecretgarden na masunugan. Nagsiga kase ang caretaker sa baba, ang lakas ng hangin, ayun ang bilis kumalat. Buti na lang teamwork ang Neri's at kahit papaano di umabot sa garden. At ang bilis rumispunde ng fire department ng Alfonso. At syempre kay Vice Mayor Salamat, sobrang salamat sa pagtulong agad sa amin. At sa mga staff ng Wild Juan para ibigay sa amin ang extra fire extinguisher. Maraming salamat po! Since nadamay ang kuryente namin, at sana maayos ang kuryente bago mag gabi, bukas pa rin kami pero 2pm na po ang bukas at kailangan pang maglinis sa garden. Habang naghihintay na maayos ang kuryente namin, candle light dinner sa ihawan po tayo! Mas mukhang romantic! Ihaw ihaw muna po tayo ngayon at fishball, kwekwek, kikiam, chicken balls! Hopefully magkakuryente na within the day at para makapaghanda kami ng mga main course namin. Everyone is ok. Nagtatawanan ulit.

A post shared by neris not so secret garden (@nerisnotsosecretgarden) on

 

Pansamantalang nawalan ng kuryente ang Neri’s Not So Secret Garden at ngayon ay bumalik din ang kuryente.

 

 

Inamin naman ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda na muntik na siyang atakihin nang tawagan siya ng kanyang asawa.

“Muntik na akong atakihin dahil tinawagan ako ni Neri ng sobrang aga para sabihin na nasusunog yung talahib ng bundok sa gilid ng bago nyang café,” ani Chito sa Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kanina, maliban sa part na muntik na akong atakihin dahil tinawagan ako ni Neri ng sobrang aga para sabihin na nasusunog yung talahib ng bundok sa gilid ng bago nyang cafe, natulog lang ako buong araw, at bumangon lang ako para kumain ng lunch, tapos natulog ulit. Pagdating ng mga 6pm, sinundo na ko ng mga kabanda ko para tumugtog, and after ng gig, dumiretso ako sa studio to record my parts on a project that Gary Granada is working on. Tapos kumain ako sa Behrouz, bago ako ihatid sa bahay namin dito sa Qc. Binalikan ko yung mga nangyari sa araw ko, and sobrang thankful ako kasi I had a wonderful day...just like most of my days. Pero these past couple of nights, kapag nakahiga na ko mag-isa dito sa kwarto ko, dun ako nalulungkot. My room feels so empty. I hate being away from my family.😔❤

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on