• Home
  • Fresh Scoops
  • Apey Obera shares her dream for her family: ‘Kakain kami ng sabay, nagtatawanan na walang problema po’

Apey Obera shares her dream for her family: ‘Kakain kami ng sabay, nagtatawanan na walang problema po’

Former PBB Otso housemate Apey Obera, pangarap na makitang kumakain ang pamilya ng magkakasalo at nagtatawanan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/21/2019 10:26 AM
Apey Obera shares her dream for her family: ‘Kakain kami ng sabay, nagtatawanan na walang problema po’


Isa sa mga pinagsisisihan ni former Pinoy Big Brother Otso housemate Apey Obera ang masasakit niyang sinabi sa half-brother niyang si Mark nang magkaharap sila sa bahay ni Kuya. 

Ayon kay Apey nang makaharap niya si King of Talk Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, hindi niya sinasadya na yung pangarap niya na maitaguyod ng mag-isa ang pamilya ay ang magiging dahilan para masaktan niya ang half-brother. “’Yun pala yung pangarap kong yun hindi na pala maganda kasi nakakasakit na ako ng tao.”

READ: PBB Otso housemate Mark Obera, nasaktan sa sitwasyon nila ng kapatid na si Apey

READ: Apey Obera reveals what she regrets inside the Big Brother house

Nang tanungin naman siya kung ano ba ang pangarap niya para sa pamilya, ang sagot ni Apey ay yung makasama niyang kumain ang kanyang pamilya kung saan masaya lang sila at walang problema. “Kakain kami ng sabay, nagtatawanan na walang problema po,” anya.

Laking lola si Apey, pero hindi nito ibig sabihin ay naasikaso siya lagi ng lola niya dahil diumano, “Siya yung nagtataguyod. Iniiwan po ako sa kapitbahay habang wala si lola, nangangamuhan (siya), naglalabada…” Emosyonal at halos maiyak si Apey nang ikunukwento niya ito. 

Katulad ng kanyang lola, napasabak din si Apey sa kung anu-anong trabaho pagdating niya ng Maynila. Nagi siyang, “Kasambahay, saleslady, carinderia girl, service crew ng isang fastfood chain, bangketa girl…”

Kahit mahirap, hindi daw si Apey nagpatukso sa mga trabahong hindi malinis. “Sinabi ko sa sarili ko na kaya kong itaguyod ang sarili ko na sa mabuting paraan. Na hindi ikakasama ng imahe ko. Kahit may mga lumalapit na tukso sa akin na sinasabing dito tayo… malaki ang kita dito.”

Pagpapatuloy ni Apey, “Sagot ko lang, hindi pa ako nababaliw, may pangarap ako sa pamilya ko, may pangarap ako sa sarili ko…” 

Hindi na napigilan ni Apey ang kanyang luha nang magbigay siya ng mensahe sa kanyang ina na limang taon na niyang hindi nakikita. “Kahit hindi tayo nagkaunawaan, nagkaroon ng sakitan… pero alam mo, Ma, ikaw din yung isa sa inspirasyon ko kung bakit ako napunta dito, nakita sa TV. Na kahit ganun ang nangyari sa atin kaya kong maibigay din sa’yo yung pagiging mabuting anak sa’yo at kaya kong baguhin yung pamumuhay natin at maging mayos tayong dalawa. Mahal na mahal kita.”