Will Kira Balinger play Catriona Gray in MMK?

‘Nahiya ako bigla,’ pag-amin ni Kira Balinger nang sabihan bagay siya na gumanap bilang Catriona Gray sa ‘Maalaala Mo Kaya’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/20/2019 9:47 AM
Will Kira Balinger play Catriona Gray in MMK?


Photo Credit: @kira_balinger/ @catriona_gray on IG

Nagbigay ng kaniyang reaksyon ang Star Magic artist na si Kira Balinger sa mga nagsasabing puwede siyang gumanap bilang Catriona Gray sa Maalaala Mo Kaya.

"Ako I'm very flattered to hear things like this na I'm fit to play this role. Kasi ako I see myself, I'm a nobody right now. I have such a long way to go in this industry, so much that I have yet to learn," sabi ni Kira sa press sa naganap na blog conference para sa Familia Blondina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Its like I’m the universe and you’ll be N•A•S•A 🙊🎶

A post shared by Kira Balinger (@kira_balinger) on

 

Hindi pa man kumpirmado kung magkakaroon ng Catriona Gray life story para sa MMK, tatanggapin ito ni Kira kung sakaling magkakaroon sa kanya ng offer. "Yes, I would gladly accept it, it's bad to say no to work.

"I would really love this, that they want me portray her story. E ako, I really wanted to be a beauty queen, so maybe I can get a taste of what it's like," dagdag ni Kira na inamin ding may plano siyang sumali ng beauty pageant sa hinaharap.

"They haven't said that I looked like her directly. But they said that I was a bit, (can) play the role. Nahiya ako bigla," pahayag ng aktres.

READ EXCLUSIVE: Kira Balinger explains why she’s a LizQuen fan

Una nang ibinahagi mismo ni Catriona Gray sa PUSH na kung sakali ay pipiliin nito si Maymay Entrata na gumanap ng kanyang life story sa naturang programa. 

READ: Catriona Gray wants Maymay Entrata to star in her life-story for MMK

 

Para kay Kira, hindi hindi magiging isyu kung si Maymay naman ang mapipili para sa role ng beauty queen. "If Maymay does get the role, I would be more than happy for her. It's still work, and I know that Maymay will always do her best," sabi ni Kira. 

Isa si Kira sa mga cast members ng Familia Blondina, na ipapalabas na sa mga sinehan sa February 27. 

WATCH: Prepare to laugh out loud with ‘Familia Blondina’