Juris Fernandez, fulfilled sa pagiging ina sa dalawang anak

Ice Seguerra at Juris Fernandez, magsasanib pwersa sa ‘All Heart’ Concert.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/20/2019 10:49 AM
Juris Fernandez, fulfilled sa pagiging ina sa dalawang anak


Photo Credit: @jurisfernandez on Instagram (L)

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Ice Seguerra at Juris Fernandez sa ASAP Sessionista noong 2009. 10 years later at ngayong pareho na silang pamilyado, lalong tumibay ang pagkakaibigan nina Ice at Juris.

Sa interview ng magkaibigan sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Juris na masaya siya sa pagiging isang ina sa kanyang dalawang anak. “Masaya naman Tito Boy. Mga toddlers pa e. Medyo magulo lang sa bahay.  Pero masarap yung mga lambingan yung ‘I love you Mama…’ Yung iki-kiss ka na lang, bigla iha-hug ka.” One boy at one girl ang mga anak ni Juris.

READ: Juris Fernandez-Lim gives birth to a baby girl 

Noong una daw ay hindi maiwasang hindi magselos ang asawa niya sa atensyon na binibigay niya sa mga anak nila. “Meron nung mga una, pag mga babies pa talaga… We tell each other na we can have time naman together kahit with the kids. Pero now nakakalusot naman kami na lumalabas,” kuwento ni Juris.

Dumadaan naman sa proseso ng In Vitro Fertilization si Ice at ang asawang si Liza Diño. Ayon kay Ice, nakapili na sila ng dalawang sperm donor. “Meron na kaming napilig dalawa… siyempre sa height kong ‘to, gusto ko Caucasian para medyo matangkad naman.”

READ: EXCLUSIVE: Liza Diño-Seguerra opens up about Ice Seguerra's Egg Retrieval Process

Dagdag pa niya, pinagdedesisyunan na lang nila ang ibang bagay bago sila mag-decide kung sino ang magiging final sperm donor. “Nakapili na kami, 6-footer pareho, tawag naming yung isa si Superman, yung isa si Boy Pogi. Mas malapit sa ugali at personality namin si Superman. Although, medyo tinitingnan namin yung medical history nung pareho.” 

READ: Ice Seguerra, kinumpirmang foreigner ang magiging sperm donor nila ni Liza Dino

Nagpa-sample din ng mga kanta ang magkaibigan bilang patikim sa nalalapit nilang All Heart concert sa February 22.