• Home
  • Fresh Scoops
  • ALAMIN: Catriona Gray, ibinahagi ang plano kapag natapos ang reign bilang Miss Universe

ALAMIN: Catriona Gray, ibinahagi ang plano kapag natapos ang reign bilang Miss Universe

Inamin din ng reigning Miss Universe na malaking hamon ang mapalayo sa kanyang pamilya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/20/2019 7:16 PM
ALAMIN: Catriona Gray, ibinahagi ang plano kapag natapos ang reign bilang Miss Universe


Photo credit: @catriona_gray IG

 

All smiles si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa unang araw ng kanyang media day dito sa Pilipinas bilang bahagi ng kanyang weeklong homecoming celebration hatid ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Dito, muling pinasalamatan ni Catriona ang kanyang mga kababayan na todo ang naging suporta sa kanya simula pa lamang ng kanyang journey bilang Miss Universe Philippines.

Aniya, malaki ang nagbago sa kanyang buhay simula nang koronahan siya bilang Miss Universe.

My life has changed so much guys (laughs). Since that crown was placed on my head, everything almost feel like in an instant, my life has changed,” kuwento ng Miss Universe 2018 sa naganap na media conference ng kanyang homecoming celebration.

READ: Catriona Gray is back in Manila for her homecoming celebration

Ibinahagi rin niya na isang malaking adjustment sa kanya ang manirahan sa New York na malayo sa kanyang pamilya.

The things that I do, and the things I’m challenged with is of course, I’m away from home, being away from my friends and my family, but I also realized that this is once-in-a-lifetime opportunity… I’m really happy making plans that I really want to do during my reign. And I really hope to leave with a positive impact as Miss Universe 2018,” kuwento pa ni Catriona.

Kasabay ng kanyang reign bilang Miss Universe ay patuloy din siya sa pagsusulong ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Aniya, sinusubukan niyang maging mabuting representasyon ng bansa sa lahat ng aspeto. 

EMBED:

 

At kung tatanungin siya sa kanyang mga plano kapag natapos na ang kanyang reign bilang Miss Universe, ito ang kanyang naging sagot. 

There’s so many things I’m really passionate about, one of them is definitely music. So after my reign as Miss Universe, I would love to pursue music,” aniya.

Perhaps to write my own songs and collaborate with different artists and put some music out there for the world,” paliwanag pa niya. 

Sa ngayon, tutok si Catriona sa jam-packed schedules niya rito sa Pilipinas bilang bahagi ng kanyang engrandeng homecoming celebration.