Marco Gallo, inaming naging official sila ni Juliana Gomez

Marco Gallo answers questions about his relationship with Juliana Gomez.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/2/2019 9:46 AM
Marco Gallo, inaming naging official sila ni Juliana Gomez


Photo credit: @gomezjuliana IG

Diretsang sinagot ni Marco Gallo ang mga maiinit na tanong tungkol sa kanya nang mapasalang muli siya sa hot seat ng Tonight with Boy Abunda

Sa tanong kung bakit siya bumalik sa Pilipinas, sinabi ni Marco na na-miss niya ang karera niya dito sa Pinas. “You will realize how important is one thing kapag na-miss mo na… And I miss this job kasi nag-meet and greet ako sa Rome, and dun ko na-realize na siguro ito yung trabaho na gusto kong gawin na hindi naman panghabambuhay pero pangmatagalan din po,” paliwanag ni Marco.

At ngayong nagbalik na siya, mas determinado si Marco na pagbutihin ang kanyang trabaho. “I’m way stronger, (I’ve) decided to make it big… so feeling ko the qualities that you need is tiyaga, hardworking and makinig.”

Pangalawang tanong na nilinaw niya ay kung meron nga ba siyang naiwang girlfriend sa Italy. Ayon kay Marco wala at si “Alice,” isang dalaga na pinakitang kasama niya sa isang picture, ay kaibigan lang niya. “Wala naman po… Alice is just a real friend. That was on her 18th birthday. We’re friends since nung first year of college,” ani Marco. 

Pangatlong tanong na sinagot ni Marco ay kung may balak siyang manligaw muli ngayong nagbabalik na siya sa Pilipinas. Ang makahulugang sagot ni Marco ay, “Wala po… focused on my work now. Kung sakali ma-fall ako uli and then…”

READ: Richard Gomez, inaming nanligaw si Marco Gallo kay Juliana Gomez

Sinundot naman kaagad ni King of Talk Boy Abunda ang sinabi ni Marco at tinanong niya si Marco kung kani-kanino siya noon na-fall. Ang honest na sagot ni Marco ay, “Madami… maybe Juliana (Gomez.) Parang there was something between us and then I left. Siguro it was not the right time. We both prefer to be friends.”

Dahil naman sa pahayag na ito, tinanong ni Boy kung sinagot ni Juliana si Marco. Ang sagot ni Marco ay, “No… we were just mutual parang ganun…” Pero muli siyang tinanong ni Boy kung, “Naging official ba kayo ni Juliana?” Hindi na nakatanggi si Marco at sinabi nitong, “Yes…. parang ganun.” 

Naghiwalay daw sila nung umalis si Marco papuntang Italy last year. Inamin ni Marco na nagkaroon din sila ng formal breakup ni Juliana. “Yes it was… we prefer to be mature and to not fight over it kasi there’s bigger stuff going on that time… na we both said siguro it’s not the time. We like each other pero we’ll still be friends and still now we talk,” sabi ng young actor. 

Ang huli daw nilang pag-uusap ni Juliana ay noong January ayon kay Marco. Sa tanong kung may balak siyang ligawan muli ang dalaga, ang sagot naman ni Marco ay, “Kapag ginusto ng damdamin ko, bakit hindi…” Pero sa ngayon daw ang sinasabi ng damdamin ni Marco para kay Juliana ay, “Kaibigan ko lang siya…”