Blackpink, dinumog ng fans sa airport

Blackpink has arrived in Manila for their upcoming concert.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/2/2019 9:16 AM
Blackpink, dinumog ng fans sa airport


Photo credits to the owners

Naging mainit ang pagtanggap ng Filipino fans ng Korean all-female group na Blackpink nang dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi, Pebrero 1 ng 10 ng gabi.

Dinumog ang mga miyembro ng Blackpink at makikitang tumatalon ang mga tao sa barikada at hinahabol ang kotseng sinasakyan nila. Minabuti na rin ng airport officials na idaan sila sa ibang exit para makaiwas sa komosyon.

Matapos dumating sa Pilipinas ay nagbigay update ang miyembro ng grupo na si Jennie at sinabing “Kumusta ka Philippines.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

kumusta ka philippines

A post shared by J (@jennierubyjane) on

Nakatakdang mag konsyerto ang grupo mamayang gabi sa Mall of Asia Arena.