• Home
  • Fresh Scoops
  • Binibining Pilipinas, punong abala sa pagbabalik Pilipinas ni Catriona Gray

Binibining Pilipinas, punong abala sa pagbabalik Pilipinas ni Catriona Gray

Inilatag din ng BPCI ang mga plano para sa pagbabalik Pilipinas ng 2018 Miss Universe.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/2/2019 11:34 AM
Binibining Pilipinas, punong abala sa pagbabalik Pilipinas ni Catriona Gray


Photo credit: @catriona_gray IG

Labis na pananabik na ang nararamdaman ng Pinoy pageant fans para sa opisyal na pagbabalik Pilipinas ni 2018 Miss Universe Catriona Gray. 

Kasunod ito ng kanyang naging tagumpay sa Miss Universe pageant sa Bangkok, Thailand kung saan nakuha niya ang ika-apat na korona ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Sa naging ulat ng veteran entertainment columnist na si Ricky Lo, ibinahagi nito detalye ng nalalapit na  homecoming nito.

Kabilang sa mga inilatag na detalye ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang petsa ng opisyal na pagbabalik Pilipinas ni Gray sa Pebrero 20.

Pebrero 21, susundan ito ng tradisyunal na parada na iikot sa Maynila at Makati.

At Pebrero 23 naman ang isang solo parada na gaganapin sa Araneta Center Cubao, na simbolo ng pagbabalik tahanan ni Catriona Gray.

Matatandaan na una nang nagbalik Pilipinas si Gray ilang araw matapos niyang koronahan bilang Miss Universe para sa isang charity event at bakasyon.

Isa din ngayon sa inaabangan ng karamihan angmuling pagbubukas ng Binibining Pilipinas para sa susunod na mga kandidiata ngayong 2019.

READ: Stella Marquez-Araneta, nagsalita na sa isyu ng paglipat ng franchise ng Miss Universe Philippines

READ: Chavit Singson bagong franchise holder ng Miss Universe Philippines?