• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban, nagsimula nang mag-countdown sa paghahanap ng asawa

Angelica Panganiban, nagsimula nang mag-countdown sa paghahanap ng asawa

Angelica Panganiban has been vocal about her desire to settle down soon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/2/2019 9:05 AM
Angelica Panganiban, nagsimula nang mag-countdown sa paghahanap ng asawa


Muling ginulat ni Angelica Panganiban ang kanyang Twitter followers nang mag-tweet siya ng countdown para makapaghanap ng asawa.

“February naaa!! 11 months na lang akong maghahanap ng asawa!!!” ani Angelica.

Hindi naman ikinubli ng Playhouse star na tila gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya ngayong taon.

Read: Angelica Panganiban, gusto nang mag-asawa ngayong 2019

Matapos nito ay nasabi rin niyang gusto niyang bumili ng crib kung kaya naman naging tanong din ng netizens kung gusto na nga ba niyang magka-anak.

Read: Angelica Panganiban, gusto na nga bang magkaanak?

Ang huling nakarelasyon ni Angelica ay ang aktor na si John Lloyd Cruz. Sa kasalukuyan ay single pa rin si Angelica ngunit madalas na itinutukso sa kanya ang kanyang ex-boyfriend at Playhouse co-star na si Carlo Aquino. Iginiit ng dalawa na sila’y magkaibigan lamang.

Read: Carlo Aquino quashes fans’ hopes, says Angelica Panganiban still not his girlfriend