• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Loisa Andalio, nagbigay reaksyon sa isyu ng pag-walk out ni Angel Locsin sa ‘The General’s Daughter’

PANOORIN: Loisa Andalio, nagbigay reaksyon sa isyu ng pag-walk out ni Angel Locsin sa ‘The General’s Daughter’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/19/2019 7:00 PM
PANOORIN: Loisa Andalio, nagbigay reaksyon sa isyu ng pag-walk out ni Angel Locsin sa ‘The General’s Daughter’


Binigyang linaw ng Kapamilya star na si Loisa Andalio ang mainit na usapan ngayon na pagwo-walk out di umano ng lead star ng hit primetime Kapamilya series na The General’s Daughter. Ayon sa mga balita, nag-walk out daw di umano si Angel Locsin sa taping ng isang eksena noong Biyernes, Pebrero 15, dahil sa hindi pagkakaunawaan ni Angel at ng isang staff ng programa.

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Loisa sa launching ng kanyang bagong endorsement, pinabulaanan nito ang kumakalat na tsismis. Aniya, hindi niya alam kung totoo ang naglabasan na balita dahil ramdam niya na masaya at maayos ang kanilang set. “Sobrang okay kaming lahat sa set, as in lahat (ng) mga artista, direktor, sobrang okay talaga. Kaya nagulat ako noong nakita ko yun,” paliwanag ni Loisa.

Paglilinaw pa ni Loisa na gumaganap bilang si Claire Del Fiejo sa programa, walang katotohanan ang lahat ng kumakalat na balitang ito.

“Wala. Wala! Si Ate Angel (Locsin) sobrang bait niya as in sobrang haba ng pasensya niya. Kaya ako ‘nung nabasa ko ‘yun, nabasa ko talaga and ang dami rin nagcomment kasi sa pagkakakilala ko sa kanila parang hindi gagawin ni Ate Angel yun,” pahayag pa ni Loisa.

Sa ngayon, nanatiling tikom ang produksyon ng The General’s Daughter tungkol sa mga naglalabasan na bali-balita sa kanilang programa.