Miss World 2019, magaganap sa Thailand

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/19/2019 3:21 PM
Miss World 2019, magaganap sa Thailand


Photo Credit: Miss World's Facebook Page

Opisyal nang inanunsyo ng Miss World Organization ang host country ng 2019 Miss World beauty pageant na gaganapin ngayong Disyembre.

Sa isang press conference ng Miss World Organization sa Phraya, Thai Palace, sinabi ng Miss World chairman na si Julia Morley na plantsado na ang 69th edition ng Miss World pageant sa Thailand.

 

Inaasahan na dadalo ang 130 kandidata mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig na magsisimula sa huling dalawang lingo ng Nobyembre.

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin sa Thailand ang longest running beauty pageant kung saan ipapasa ng reigning Miss World na si Vanessa Ponce ng Mexico ang kanyang korona.

Matatandaan na ang Thailand din ang host ng 67th Miss Universe pageant kung saan kinoronahan si Miss Universe Philippines Catriona Gray.