• Home
  • Fresh Scoops
  • Michelle Vito, isa sa mga unang nakaalam nang maging ‘official’ sina Liza at Enrique

Michelle Vito, isa sa mga unang nakaalam nang maging ‘official’ sina Liza at Enrique

Ikinuwento rin ni Michelle Vito ang unang beses na naka-eksena ni Liza Soberano si Enrique Gil.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/19/2019 3:49 PM
Michelle Vito, isa sa mga unang nakaalam nang maging ‘official’ sina Liza at Enrique


Kasama ang kanyang BFF na si Michelle Vito, inalala muli ni Liza Soberano ang unang beses na naka-eksena niya ang ngayong boyfriend at ka-love team na si Enrique Gil. Sa episode ng Magandang Buhay ikinuwento ni Michelle ang isang eksena ni Liza at Enrique sa dating pelikulang Must Be Love.

"Naalala ko kasi noon, ‘nung may cameo (siya) kasama si Quen. Tapos naalala ko, ikinuwento niya (Liza) pa sa akin na naiyak siya kasi nagulat siya. Parang nataranta siya sa eksena nilang dalawa," kwento ni Michelle na inamin din ni Liza. 

Ayon kay Liza, isa si Michelle sa mga una niyang tinawagan noong sinagot niya si Enrique.

"Actually isa ka sa mga una. Kasi ikaw ‘yung mga unang tinawagan ko ‘nung time na 'yon," pag-amin ni Liza kay Michelle.

 

 

Noong nakaraang Linggo ay inamin nina Liza at Enrique ang mahigit dalawang taon nilang relasyon bilang magkasintahan sa programang Gandang Gabi Vice

READ: Liza Soberano and Enrique Gil admit they are in a relationship

Sa Tonight with Boy Abunda naman ay ikinuwento ni Liza na limang taon na silang opisyal na magkasintahan. Sa isang interview naman ng Pep.ph, ni-reveal ng LizQuen na October 24 ang eksaktong date ng kanilang anniversary.

Panoorin ang TWBA episode dito: 

Sa parehong episode din ng Magandang Buhay, inilarawan ni Michelle kung paano maging girlfriend si Liza kay Enrique.

"Super caring niya kay Quen. Sa lahat ng food, sa susuotin, kung paano kumilos si Quen, lahat ‘yon napapansin ni Hopie," ani Michelle, habang natatawa si Liza at sinabing, "Nanay kasi ako."

"Very down to earth si Hopie. Hindi siya nakakalimot kung saan siya galing. Hindi niya nakakalimutan yung mga kasama niya before," pahabol na mensahe ni Michelle na nagpasalamat kay Liza sa kanilang pagkakaibigan simula nag-uumpisa pa lamang sila ng sabay sa Star Magic. 

READ: Enrique Gil to Liza Soberano this Valentine's Day: ‘Baby you are my heart, my soul and the blood that flows in me’