• Home
  • Fresh Scoops
  • Isabelle Daza on her house helpers receiving a contract: ‘They were very touched’

Isabelle Daza on her house helpers receiving a contract: ‘They were very touched’

Isabelle Daza credits her husband for the contract she did for her helpers.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

2/19/2019 11:04 AM
Isabelle Daza on her house helpers receiving a contract: ‘They were very touched’


Walang takot na pinandigan ni IT Girl at influencer Isabelle Daza ang mga opinyon niya sa maraming bagay.

Una, inamin niya na hindi niya gustong laging nasasabihan ng “gwapo” ang kanyang anak. Ang dahilan daw ay dahil sa mundo ng showbiz. “There’s a lot of things that create your identity, even before you know your identity. With my son, I don’t want him to think that that’s the only thing that matters.”

Dagdag pa niya, “It’s hard to be born with fame, you think you’re entitled and you go around the world and you’re kind of lost.”

Naranasan din daw ito ni Belle bilang isang celebrity dito sa Pilipinas. “And I experienced it also because people were absolutely kinder to me here and I absolutely loved it.” 

Hindi rin kinaila ni Belle na ang naging struggle niyang magpapayat ay dahil sa kanyang insecurity. “I’m not going to sugarcoat it. It’s definitely weight. It’s my insecurity. It’s something that I have a problem (with) and it was my truth. I can’t lie about it.”

Hindi rin naman daw niya ginawa ang kanyang fitness videos para mang-body shame. “I don’t mean to body shame people. I struggled with body shaming myself and I struggled to love myself.” 

READ: Isabelle Daza shares how she lost her post-partum weight

Bukod dito, hinangaan din kailan lang si Belle dahil sa pagawa niya ng kontrata para sa mga kasambahay. “My husband told me that I need to have contract with the maids because it protects both parties,” sabi ni Belle.

READ: Isabelle Daza creates contract for her house helpers

Ayon pa daw sa asawa ni Belle na si Adrien Semblat, kailangan ito para sa mga instances na, “you can’t get mad at them for forgetting your charger when it’s not their job.”

Nagbibigay dignidad daw ito sa mga kasambahay at masaya din daw ang mga kasambahay ni Belle matapos makatanggap ng kontrata. “They we’re very touched. Kasi they didn’t feel like they deserve one,” ani Belle.

Bukod sa days off at bakasyon, tinutulungan din ni Belle mag-ipon ang mga kasambahay. “I also help them save. (Sabi ko) titingnan ko kung magkano na ang naipon mo and dodoblehen ko and I think that gets them to have a target also,” kuwento pa ni Belle.