• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia, looking forward na makasama si Anne Curtis sa isang proyekto

Coleen Garcia, looking forward na makasama si Anne Curtis sa isang proyekto

Nilinaw din ni Coleen Garcia na hindi deciding factor sa kanya ang mister na si Billy Crawford.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/19/2019 11:16 AM
Coleen Garcia, looking forward na makasama si Anne Curtis sa isang proyekto


Muling aarangkada sa pelikula ang aktres na si Coleen Garcia sa kanyang naging pag-pirma sa VIVA Artist Agency.

Dito, nakatakdang gumawa si Coleen ng 10 pelikula at higit pa sa ilalim ng kanyang limang taon na kontrata bilang bagong talent ng VIVA Artist.

 

“More of films, I’m really passionate about film. And I also want to work on more films and I haven’t had a chance lately pero ngayon na ready to go back to work na ako, I’m really excited to work on more films,” aniya sa panayam ng entertainment press sa naganap na contract signing niya.

Sa bagong chapter sa career ni Coleen, mananatiling Kapamilya pa din siya at proud sa kanyang mga natutunan dito.

“I figured with this new chapter in my life. I really needed a fresh start also and I wanted a new beginning,” kuwento ni Coleen.

Naging maganda din ang kanyang pag-exit sa kanyang former management team na Star Magic.

EMBED: https://www.instagram.com/p/BuBIc-_ArAT/?utm_source=ig_share_sheet&igshid=e11gv2o0xhth

“Actually I was surprised you know walang bad feelings talaga and nobody got hurt o offended kasi yun talaga ang ikinakatakot ko. I didn’t expect them (Star Magic) to be more understanding,” aniya pa.

At dahil minsang naging bahagi ng noontime show, aminado si Coleen na hinahanap-hanap niya minsan ang kanilang samahan sa It’s Showtime bilang isang TV host.

“Minsan nami-miss ko rin talaga and at the back of my mind maybe I do wonder what if I could get a hosting job again soon. I’m definitely open for that. Kaya lang ngayon, number one passion ko talaga is films and I really wanted to give way to that.”

Dahil kapwa nasa isang management team na ngayon ang aktres, looking forward din ngayon si Coleen na makasama si Anne Curtis sa isang proyekto na kanyang kasama noon sa It’s Showtime.

Sa ngayon, wala pa sa plano ni Coleen at asawa na si Billy Crawford ang mag baby pero kung darating na ito ay tatanggapin na nila ito ng buong puso.