Maymay Entrata, gaganap ba bilang Catriona Gray sa MMK?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/19/2019 10:19 AM
Maymay Entrata, gaganap ba bilang Catriona Gray sa MMK?


Photo credit: @catriona_gray/ @maymay on IG

Naging matunog muli ang pangalan ni Maymay Entrata online matapos makipagkita sa shoe designer na si Jojo Bragais na siyang dumisenyo sa suot na heels ni Catriona Gray nang Manalo siya bilang Miss Universe 2018.

Ayon sa mga netizens, mukhang gaganap bilang Catriona si Maymay sa Maalaala Mo Kaya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

It was nice seeing you again @maymay ! Aliw na aliw pa din ako sayo! 😜😂

A post shared by Jojo Bragais (@bragaisjojo) on

 

Pinasalamatan naman ni Maymay si Jojo at sinabing, “Sir Jojo salamat po sa bigay niyong shoes sa akin! Nasa akin parin po yung first shoes na bigay niyo sa PBB! God bless po!”

Sa isang panayam kay Catriona, nasabi niya noon na pipiliin niya si Maymay kung sakaling may gaganap bilang siya sa MMK.

Read: Catriona Gray wants Maymay Entrata to star in her life-story for MMK