• Home
  • Fresh Scoops
  • Why did Marco Gallo keep his relationship with Juliana Gomez private?

Why did Marco Gallo keep his relationship with Juliana Gomez private?

Ipinaliwanag ni Marco Gallo ang desisyon nilang dalawa ni Juliana Gomez ang maging pribado ang relasyon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/18/2019 10:10 AM
Why did Marco Gallo keep his relationship with Juliana Gomez private?


Photo credit: @gomezjuliana IG (L)

Handa na si Marco Gallo sa pagbabalik showbiz matapos umuwi muli ng Pilipinas mula sa Italy. Sa naganap na press conference para sa bagong pelikula na Familia Blondina, naging bukas si Marco Gallo sa pagsagot tungkol sa naging relasyon nila noon ng Juliana Gomez.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tonight in TWBA! 10:45pm

A post shared by Marco Gallo (@marcogalloc) on

 

Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate, nananatiling magkaibigan na lang sila ngayon ni Juliana kahit na hindi pa rin sila nagkikita ngayon mula nang pagbalik niya sa Pilipinas."Kasi kakagaling niya lang po ng Ormoc, and ako, I've been busy po sa Familia Blondina. We might go to Wander Festival, like friends. Friends lahat kami," ani Marco.

Naging usap-usapan ang kamakailang pag-amin ni Marco Gallo na naging magkasintahan sila ni Juliana Gomez noon, sa programang Tonight With Boy Abunda.

READ: Marco Gallo, inaming naging official sila ni Juliana Gomez

Ayon kay Marco, desisyon nila ng ex-girlfriend na gawing pribado ang relasyon nila. "It's fine because ako din at first I was denying it. I didn't want na, if its not needed to make it public, I don't want kasi that's my life. I want to keep it as—not a secret as possible—but as private.

"Before Juliana, there was some relationship stuff na nasama ang showbiz, and it affected our relationship, so by experience, I don't want na," paliwanag ni Marco kung bakit pinili niyang maging pribado ang love life.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

*changes profile pic on all social media platforms*

A post shared by JULIANA GOMEZ (@gomezjuliana) on

 

Sa kanyang pagbabalik showbiz, bukas muli si Marco sa mga bagong proyekto maging ang magkaroon ng bagong ka-love team. "Well, I'm open to it, if they partner me with anyone, it's going to be another challenge, game ako don," sabi ng aktor.

Kasama ni Marco sa Familia Blondina sina Kira Balinger, Chantal Videla, at ang lead actress na si Karla Estrada.

WATCH: Prepare to laugh out loud with ‘Familia Blondina’