• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Rickets, magiging bahagi ba ng ‘Ang Probinsyano’?

Ronnie Rickets, magiging bahagi ba ng ‘Ang Probinsyano’?

Isang pelikula din kasama si Robin Padilla ang nakatakdang gawin ni Ronnie Rickets.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/18/2019 11:40 AM
Ronnie Rickets, magiging bahagi ba ng ‘Ang Probinsyano’?


Muling nagbabalik sa action movie ang batikang aktor na si Ronnie Rickets para sa pelikulang Exit Point.

Kasunod ng unti-uniting pagbabalik sigla ng aksyon genre sa telebisyon at sa pelikula, naniniwala si Ronnie na ito ang tamang panahon para sa Exit Point na isang action movie.

“Natutuwa ako dahil unang-una maganda ang suporta sa atin ng Muntinlupa. Isa pa, nagulat ako kay kapatid natin na si Robin Padilla, talagang una pa lang, all out na ang suporta niya sa akin. Kaya kapatid na Robin, mabuhay ka maraming maraming salamat,” ani Ronnie sa panayam ng PUSH.

Kung tatanungin naman ang saloobin sa pagtamlay ng action movies, naniniwala si Ronnie na may pag-asa pa para baguhin Ito.

“Kailangan buhayin natin. It’s just a matter of time na kailangan buhayin natin ang sigla ng action movies. So hopefully after Bato, Exit Point naman para tuloy-tuloy na. And may plano din kami ni Robin (Padilla) na gumawa ng pelikula, so lahat ‘yun pina-plano natin ngayon,” sabi pa niya.

At bilang isang action star din, aminado si Ronnie na isa siya sa mga fan ng hit Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano, kaya naman naitanong din kung may posibilidad ba na maging bahagi siya nito.

“Kung may role na bakit hindi?” aniya.

“Siguro tatlong beses na ako inaalok doon. Hindi lang talaga magka tugma-tugma ang role. Siguro kapag may maganda, bakit hindi?” pahayag pa niya.

Sa darating na Pebrero 20, mapapanuod ang Exit Point sa mga sinehan sa Pilipinas.