Robin Padilla, magiging abala sa pelikula ngayong 2019

Inaasahan ang sunud-sunod na proyektong pagbibidahan ni Robin Padilla ngayong taon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/18/2019 11:33 AM
Robin Padilla, magiging abala sa pelikula ngayong 2019


Tila wala muna panahon na makapagpahinga ang aktor na si Robin Padilla ngayong taon dahil sa sunud-sunod na proyekto na kanyang gagawin ngayong 2019.

“Meron po tayong pelikula pang gagawin, ‘yung Marawi. Meron pa po ‘yung sa amin ni Aga (Muhlach), ni Empoy (Marquez), madami pa po e,” kuwento ni Robin sa naging panyam ng PUSH sa kanya.

Patuloy pa na kuwento ni Robin sa mga dapat pa na abangan sa kanya, “Meron pa po ‘yung inaasahan pa po namin ‘yung kay Regine (Velasquez) pa. Kaibigan ko din po si Regine (pelikula ito?) Pelikula ito sa VIVA,” sabi pa ng aktor.

 

 

Bukod sa reunion movie kasama si Regine, inaasahan din ang series version ng pelikulang Bato na napanuod sa sinehan kamakailan. “Mayroon pa series noong Bato. Madami pa po e meron pa ‘yang series e, sa Netflix tungkol sa drug war,” aniya.

Inaasahan din na magiging bahagi din si Robin sa proyekto ng EPIC studios ni Paul Basinillo na bumubuo ng Pinoy version ng sikat na comic characters ng Marvel.

“Pinakusapan din ako ni Boss Vic kung pwede kasi gagawa daw sila ng local Marvel, parang ako ang matanda doon,” pahayag pa ni Robin.

Matatandan na 2006 nang huling nagsama si Regine Velasquez at Robin Padilla sa pelikulang Till I Met You matapos ang unang pelikula nila noong 2000 na Kailangan Ko’y Ikaw.