• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang insidente ng pambabastos, Sunshine Cruz, patuloy na pakikipag-laban para sa anak

Matapos ang insidente ng pambabastos, Sunshine Cruz, patuloy na pakikipag-laban para sa anak

Pinag-aaralan pa din ni Sunshine na sampahan ng kaso ang lalaki na bumastos sa kanyang anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/18/2019 11:43 AM
Matapos ang insidente ng pambabastos, Sunshine Cruz, patuloy na pakikipag-laban para sa anak


Tila hindi pa din humuhupa ang galit ng aktres na si Sunshine Cruz tuwing maalala ang insidente ng pambabastos sa kanyang anak.

Sa panayam ng PUSH kay Sunshine nitong linggo, nagbigay ng update ito sa kanilang planong gawing aksyon matapos ang pangyayari.

“The latest na nalaman ko nag-release naman ng public apology. But unfortunately, I wasn’t able to see it personally kasi unangpuna binlock niya nga ako sa Instagram ‘di ba? Tapos sa Facebook I think nag-de-activate na after saying na the public apology,” kuwento ni Sunshine sa naganap na special screening ng action movie na Exit Point kung saan nagbigay siya ng suporta.

Matatandaan na kamakailan, inilabas ng aktres ang kanyang saloobin sa kanyang sariling Facebook account matapos bastusin ang kanyang anak na menor de edad ng isang chef sa isang hotel.

“Hindi ako madalas pumatol sa mga katulad mo pero may hangganan din ang pasensya ko. Tao lang din ako na nagtratrabaho ng maayos para sa mga anak ko. Ang anak ko na menor de edad huwag na huwag mo bastusin. Kung wala man silang tatay na maaaring magpoprotekta sa kanila, mas matindi ang mga nanay lalo na isang katulad ko na magpo-protekta sa mga anak ko na wala namang ginagawang masama sa kahit na sino. Tandaan mo yan Lorence Anthony Diola Guardian. Epilogue PH Conrad Manila,” bahagi ng post ni Sunshine sa Facebook.

Natapos man daw sa isang public apology, hiling pa din ng aktres ang paghingi nito ng tawad sa iba pang babae na nabiktma umano nito ng pambabastos.

“I just hope na he also apologizes doon sa napakaraming babae na biniktima niya kasi ano e, hindi lang naman ako ang biniktima nitong Lorenz- Anthony Diola Guardian na ito kundi napakarami pang babae and it has been happening since 2017 if I’m not mistaken,” aniya.

 “Huwag natin gamitin ang social media para mambastos ng tao, hindi lang artista in general sana. Lalo na sa mga babae at menor de edad pa, ‘yun lang naman,” aniya.

At nang kumustahin naman ang kanyang anak, sinabi din ni Sunshine na maayos itong napaliwanagan agad matapos ang naging insidente.

“Nabasa niya, nagulat siya, pero sabi ko nga, ‘Anak I think ang mahalaga dito is kumbaga lumabas, lumabas sa publiko, na-expose’ and nilaban ko talaga ‘hindi lang yung mga anak ko kundi para na din sa ibang kababaihan, kaya sana mag sorry din siya sa iba kasi kung hindi baka pag-isipan ko pa na idirecho sa whatever na kaso ito na puwede ko pang isampa sa kanya,” pahayag pa ni Sunshine.

Nasisante na din diumano ang nasabing chef sa kanyang pinagtratrabahuhan.