• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, inaming nasa isang long distance relationship siya ngayon

Karla Estrada, inaming nasa isang long distance relationship siya ngayon

Dagdag ni Karla Estrada, pitong taon na sila ng kanyang boyfriend ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/17/2019 4:52 PM
Karla Estrada, inaming nasa isang long distance relationship siya ngayon


 

Naging matipid man sa pagku-kwento ng tungkol sa kanyang love life, nagbigay ng ilang detalye si Karla Estrada tungkol sa kanyang buhay pag-ibig sa naganap na press conference ng pelikulang Familia Blondina. 

 

 

Ayon kay Karla, kasalukuyang nasa Colorado, California ang kanyang boyfriend ngayon.

"Ngayon medyo aabutin muna ng tatlong taon bago bumalik. Kasi doon may bagong negosyong tinayo," sabi ni Karla na inamin rin na bago lang para sa kanya ang pagkakaroon ng isang long distance relationship.

"Bago 'to sa akin. Kaya sabi ko, walang masyadong expectations, hindi ko nilalaliman ang pagmamahalan, ang layo e," ani Karla.

Dagdag ng Familia Blondina actress, alam naman ng kanyang anak na si Daniel Padilla ang estado ng kanyang love life ngayon. "Alam niya (Daniel Padilla), kasi nakasama ko na ng matagal yung tao na 'yon, we've been together for seven years."

"Katulad nga ng sinabi ko, hindi naman kasi ako mahilig magkwento ng aking buhay pag-ibig," pagputol ni Karla sa paglalahad pala. 

"Basta okay ako, happy ako, higit sa lahat, may love life o wala, sa estado ng buhay ko ngayon, maayos ang mga anak ko, wala na akong hihilingin," huling pahayag ni Karla sa press.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Karla sa kinasangkutang isyu kamakailan nina Daniel at Kathryn Bernardo sa social media.

"Natawa lang ako. These things really happen sa mga magkakarelasyon. Ang maganda naman do'n na-explain naman ni Kathryn na it wasn't Daniel ang nag-unfollow," sagot ni Karla.

Nang tinanong naman ang aktres kung may nalalaman siya sa mga plano nina Daniel at Kathryn bilang magkasintahan, sagot niya, "May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon and ako ang unang makakaalam no'n."

Bibida si Karla Estrada sa bagong family-comedy movie na Familia Blondina. Kasama niya rito sina Jobert Austria, Kira Balinger, Marco Gallo at iba pa. Mapapanood ang pelikula simula February 27 sa mga sinehan.