• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Miss World Philippines Queenie Rehman, handa magpa-sexy?

Former Miss World Philippines Queenie Rehman, handa magpa-sexy?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/17/2019 9:43 AM
Former Miss World Philippines Queenie Rehman, handa magpa-sexy?


 

Labis na pananabik na ang nararamdaman ng first time actress na si Queenie Rehman sa kanyang pagganap sa horror movie ng reality entertainment na Second Coming sa pangununa ni Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin.

Ito ang debut movie project ni Queenie na dating pambato ng Pilipinas sa Miss World pageant noong 2012.

It’s my first time doing movie, kasi for the past year I’ve been doing TV shows, first time horror,” bungad ni Queenie.

Kuwento ng former beauty queen, hindi naging madali ang proseso ng pagbibigay buhay sa kanyang karakter sa horror movie.

Siguro ang pinak mahirap lang ‘yung paglalagay ng prosthetics, medyo uncomfortable lang pero masaya,” aniya.

Hindi din naging mahirap para kay Queenie ang mga eksena dahil sa kanyang mga kasamahang bituin na si Jodi Sta. Maria na naka-bonding niya sa proyekto.

It was so nice working with them especially with Jodi (Sta Maria) I became close with her kasi same tent kami, and may mga na-share siya sakin about tips for acting and for me it makes me comfortable with the scenes we do,” sabi pa ni Queenie.

At dahil minsan naging beauty queen, handa na daw si Queenie na hamunin ang sarili bilang isang showbiz personality.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The new Miss World Philippines 2013! @meganbata I'm so proud of you girl.. :-)

A post shared by Queenie Rehman 👑 (@queenierehman) on

 

Actually, I like things that challenge me. Talagang I just enjoy the moment,” sabi pa niya.

Bukod sa horror movie, isang mapangahas na pelikula din ang kanyang nakatakdang gawin sa Reality Entertainment sa kanyang susunod na proyekto.

I’m going to do another movie, soon. And it’s going to be a big break for me because I’ll be leading the movie. It’s a controversial same sex movie,” aniya.

Handa daw subukan ni Queenie ang mga mas daring pa na roles.

 

Nowadays, iniisip ng mga tao siyempre kapag beauty queen ka, kailangan you lived up to the standards of what everybody is thinking. So maybe I would like to be somewhat different,” aniya.

So feel ko if I’m going to do something daring as a beauty queen it will make myself stand out  from all the beauty queen here in the Philippines,” pahayag pa ng former Miss World Philippines.

Sa darating Pebrero 27 mapapanuod ang Second Coming sa direksyon ni Jet Leyco.