• Home
  • Fresh Scoops
  • Alamin ang mga paghahanda sa pagbabalik Pilipinas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Alamin ang mga paghahanda sa pagbabalik Pilipinas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Inaasahan ang engrandeng pagsalubong para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/16/2019 12:32 PM
Alamin ang mga paghahanda sa pagbabalik Pilipinas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray


Photo credit: @catriona_gray IG

Puspusan na ngayon ang paghahanda ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) para sa nalalapit na homecoming parade ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ngayong Pebrero.

READ: Binibining Pilipinas, punong abala sa pagbabalik Pilipinas ni Catriona Gray

Ilan sa mga inilatag na paghahanda ng pamunuan ng Binibining Pilipinas ang mga lugar kung saan ipaparada ang Miss Universe sakay ng makulay na float.

Una na dito ang parada na iikot sa lungsod ng Makati at Pasay sa Pebrero 21.

Bukod sa unang parada magkakaroon din ng isang partikular na parada sa Araneta Center sa Cubao na gaganapin naman sa ika-23 ng Pebrero.

Bukod sa inaabagan na homecoming parade, nakatakda din ang isang engrandeng homecoming show na gaganapin naman sa Araneta Coliseum hatid ng ABS-CBN sa darating na ika-24 ng Pebrero.

READ: Vice Ganda, may special participation sa homecoming ni Catriona Gray?

Inaasahan din ang pagbisita ng reigning Miss Universe sa ilang Kapamilya shows.

Bukod sa engrandeng paghahanda para sa kanyang pagbabalik Pilipinas, inaasahan din ang pagbibigay oras ng Miss Universe sa ilang organisasyon at mga charities na bahagi ng kanyang adbokasiya.

Inaasahan na tatagal ng isang linggo si Catriona at Miss Universe Organization sa Pilipinas para sa nasabing homecoming celebration.